- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Barangay may papel sa pagpapatupad ng Anti Rabies Act
- Details
- Friday, 29 March 2019 - 9:26:00 AM
Isa na namang mahalagang papel ang gagampanan ng barangay at yan ay ang pagpapatupad ng Ordinance Adopting Republic Act No. 9482 o Anti Rabies Act of 2007.
Kaugnay nito, nagsagawa ng pagpupulong ang Batangas City Rabies Control Council (BCRCC) sa pangunguna ng vice chairman nito na si Dr. Macario Hornilla sa Office of the City Veterinary ang Agricultural Services(OCVAS), March 29, kung saan tinalakay ang Implemening Rules and Regulations ng naturang ordinansa na naglalayong mapalakas ang kampanyang maging rabies-free ang lungsod.
Nakapaloob sa batas ang pagbubuo ng mga Barangay Rabies Control Committee (BRCC) na pinamumunuan ng barangay captain bilang chairman at ng school principal o barangay chairperson ng Committee on Agriculture and Veterinary o Committee on Health bilang vice chairman, ang iba pang miyembro ay ang barangay secretary, barangay rabies coordinator,barangay counciors- Committee chairman on Agriculture and Health, chief of barangay police at dog catcher/dog pound in-charge.
Ang BRCC ang magpapatupad at magmo monitor ng lahat ng rabies prevention and control activities sa barangay kagaya ng registration ng aso, pagbabakuna kontra rabies, at education/information drive. Sila rin ang magpapatupad ng pagtatali ng aso o pananatili ng aso sa loob ng bakuran ng bahay upang huwag itong makagala.
Kailangang magkaroon ng dog pound ang barangay upang pagdalhan ng mga asong ligaw sa halip na dalhin pa ito sa city pound sa OCVAS.
Binibigyan ng tatlong araw ang may-ari ng aso na tubusin ang kanilang alaga sa barangay dog pound. Kung hindi ito makukuha sa loob ng tatlong araw, ang mga aso ay ililipat na sa city pound sa OCVAS.
Compulsory ang registration ng lahat ng aso sa barangay. Ang BRCC ang kokolekta ng registration fee na P20.00. Ang rehistradong aso ay bibigyan ng Dog Registration Tag na ilalagay sa dog collar at dapat gamitin ng aso habang nasa mga pampublikong lugar upang madaling ma identify na ito ay rehistrado ng BCRR.
Responsibilidad ng dog owner na ipagamot ang sinumang makakagat ng kanyang aso at siya ring gagastos sa pagpapagamot nito. Dapat siguraduhin niya na nakatali o nakakulong ang aso sa isang pen upang huwag itong makagala at makakagat ng tao..
Mahalagang mabakunahan agad laban sa rabies ang isang taong nakagat o nakalmot ng aso o pusal Kailangan ding ma obserbahan ang biktima at ang aso sa loob ng 14 na araw upang makita kung may mga kakaibang pagbabago sa mga ito.
Ang pagkuha ng serbisyo ng isang albularyo o “manunupsop” sa paggagamot ng mga nakagat ng aso o pusa ay hindi ini encourage ng local government unit, bagkos ay itinuturing itong ilegal o medical malpractice.
Ang hindi tatalima sa pagpaparehistro at pagbabakuna ng kanilang aso ay may written warning sa first offense , multang P1,500 o community service na dalawang buwan o pagkabilanggo ng isang buwan o pareho depende sa discretion ng korte sa second offense. Sa third offense, ang multa ay P2,000 o community service na tatlong buwan at pagkabilanggo ng dalawang buwan o pareho depende sa discretion ng korte.
Ang impounded dog sa city pound ay pwede lamang i release pagkabayad ng P150 sa City Treasurer’s Office pagkatapos ng isang araw o 24 oras ng impound; P300 pagkatapos ng dalawang araw o 48 oras ng impound at P500 pagkatapos ng tatlong araw o 72 hours ng impound.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.