26 na pares ikinasal sa Baysanang Bayan 2019

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Dalawampu’t anim na pares ang ikinasal ni Mayor Beverley Rose Dimacuha sa isinagawang Baysanang Bayan 2019, March 26, sa Batangas City Convention Center.

Sa ilalim ng termino ni Mayor Beverley, ito ay ginagawang special at memorable bilang handog niya sa mga ikinasal sapagkat para sa kanya, ang kasal ay isang sagradong bagay na nagpapatatag sa pagsasama ng mag-asawa at nagpapalakas sa pundasyon ng pamilya.

Maganda ang dekorasyon, may simpleng salosalo, mga regalo at iba pang bagay na tradisyunal na bahagi ng isang kasalang Pilipino.

May pagsasabog ng bulaklak sa bagong kasal, subuan ng kalamay na kaugalian para sa malagkit at matatag na pagsasama, subuan ng cake pag-inom ng alak at iba.

Bilang bahagi pa rin ng tradiisyon, nagtayo ng sibi sa labas kung saan naghintay ang mga ikakasal sa pagsisismula ng kasalan at may jeep na masasakyan para sa dapitan.

Payo ng Mayor sa mga ikinasal na ang Diyos ang maging sentro ng pagsasama at laging ipagdasal ang bawat isa. “Tandaan nyo po ang oras na ito 10:30 ng umaga, simula po ngayon at tuwing 10:30 ng umaga ay ipagdadasal nyo ang inyong mga asawa, ugaliin po ninyo yan,” dagdag pa ni Mayor.

“Maging mahinahon at huwag sabayan ang galit ng isa’t isa. Iwasan din ng mga babae na maging nagger at laging maging maayos at malinis sa pangangatawan at sa tahanan para ma-engganyo ang mga asawang lalaki na tumigil sa bahay.”

Binigyang diin ni Mayor Beverley na panatilihin ang matamis na pagtitinginan at respeto sa isa’t isa ng mga mag-asawa. Ayusin aniya ang mga problema at huwag na huwag iisipin ang paghihiwalay.

Hiniling rin niya na tulungan siya na palakasin ang pamilyang Batangenyo para magkaroon ng tahimik at matiwasay na lungsod.

Sinabi naman ni City Civil Registrar Josie Maranan na libreng ipinagkaloob ng pamahalaang lungsod ang baysanang ito maging ang pag-aayos ng mga papeles para sa kasal at pagle legitimize ng mga anak.
Dumalo rito sina Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Director, Region IV-A CALABARZON, Charito Armonia at Batangas Provincial Statistics Officer, PSA Raul Maximo Tolentino.

Ang Baysanang Bayan ay pinangasiwaan ng City Civil Registrar’s Office katulong ang City Cultural Affairs Committee (CAC) at ilang departamento ng pamahalaang lungsod.