SP nagdaos ng 1st Interschool short film festival

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Nagsagawa ang Sanggniang Panglunsod sa pangunguna ni Vice Mayor June Berberabe ng 1st Interschool Short Film Festival kung saan may may 22 short films na gawa ng may walong participating senior high schools ang nagpagalingan.

Ang mga paaralang lumahok ay ang Batangas State University, AMA College, Banaba West Integrated School, Gulod Senor HS, Paharang Integrated School, Sovereign Shepherd School Values of Learning, Saint Bridget College Senior HS at University of Batangas.

Ang tema ng film ay “Galing at Kakayahan ng mga Kabataan sa Sining ng Pelikula Matutunghayan” kung saan usapin ng pag papalakas sa kakayahan ng kababaihan, ibat-ibang papel ng kababaihan sa lipunan, kamalayan sa mga isyung panlipunan ukol sa kababaihan at pagkapantay-pantay at iba pang kahalintulad na usapin ng mga babae ang basehan ng ginawang mga short films.

Ayon kay Vice Mayor Berberabe, nais niyang mas mapalawak pa ang galing at abilidad ng mga Batangueno film maker sa larangan ng sining lalo sa pag gawa ng short film at pag arte.

Sinabi naman ni Director Dan Villa ng GMA 7 Production, na impressed siya sa mga napanood niyang short films na gawa ng mga kabataang ito.

Sa kanyang katuwaan sa mga entries sinabi niya na nais niyang magtatayo ng Film Lab sa Batangas City para hindi na kailangan pumunta pa ng Manila ang mga inspiring film maker para mag OJT. Sinabi rin niya na impressed siya sa mga naging directors ng short films at nais niyang kunin ang mga ito bilang co- directors sa gagawin niyang epic film na “Bataan Death March”, isang 25- million project na sponsored ng National Historic Institute. Magbibigay din siya ng training workshop sa film at acting.

Sa ginanap na awarding ceremony sa Sangguniang Panlungsod Session Hall, nanalong best short film ang “Pan de Regla” na produksyon ng Batangas State University (BSU). Ito ay tungkol sa isang panaderang gumagawa ng tinapay na tinatawag na pan de regla. Siya ay naging biktima ng rape at bilang pagpapahayag ng galit sa gumawa nito sa kanya ay naisipang babuyin ang paggawa ng nasabing tinapay habang naaalala niya ang ginawang pambababoy sa kanya. Ang iba pang awards ng nasabing short film ay ang Best Female Lead Role , Best Cinematography at Best Screenplay.

Ang iba pang nanalo ng awards ay ang mga sumusunod: Best Male Lead Role – Lloyd Alvry Acantara ng BSU (Kasa-kasama ni Lejiya); Best Female Secondary Role – Nonaliza Cueto ng Gulod Senior HS ( Inapo ni Lola Cresensiana); Best Male Secondary Role John Loyd Partriarca ng UB (Room no. 8); Best Performance by a Child Role (Room no. 8) UB; Best Original Sound Track – Kasa-Kasama ni Lejiya (BSU); Best Musical Scoring at Best Special Jury Prize – Inapo ni Lola Cesensiana (Gulod Senior HS); Best in Social Media Platform (YouTube views)- Gabriela (SBC Senior HS) at Best Director si Judiel De Ramos – Pan De Regla (BSU).

Nagpasalamat naman si Geelene Gonsales sa pagkahirang sa kanya bilang Best Female Lead Role. Aniya, ginawa niya ang best sa acting upang mabigyan ng makatotohanan pag ganap at realidad ang istorya ng pelikula.