Early childhood care and development children prayoridad ng pamahalaang lungsod

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Isa sa mga mahahalagang programa ng City Social Welfare and Development Office ay ang Child Development Centers na 45 taon ng nagsisilbi sa mga Early Childhood Care and Development (ECCD) children na tinuturuan ng maraming bagay na makakatulong sa kanilang total development at binibigyan ng mga serbisyo para sa kanilang kalusugan at kapakanan. Sa mga childhood development centers na ito na ngayon ay may 107 na sa buong Batangas City ipinagkakatiwala ng mga magulang ang kanilang mga anak na edad 0-4 taong gulang upang mabigyan ng early education at ma develop ang iba’t iba nilang skills.

Sumasailalim din ang mga bata sa medical check-up ng City Health Office, binibigyan ng vaccination, Vitamin A at tinuturan ng tamang pangangalaga ng ngipen ng Dental Division ng CHO. Binibigyan sila ng libreng dental kit na naglalaman ng toothbrush, toothpaste at fluoride. Tinuturan din sila ng tamang pagsisipilyo ng ngipen. Mayroon din silang supplemental feeding, pinapainom ng fresh milk mula sa Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) at tinuturuan ng tamang nutrisyon.

Mayroon din silang mga sports activities, puppet shows, mga field trips, mga social at religious acitivities. Laumalahok din ang mga bata sa mga pagdiriwang kagaya ng Universal Children’s Month kung saan nagpapatalbugan sila sa kanilang mga costumes ng ibalt ibang bansa.

Lumalahok din sila sa Search for Batang Makakalikasan kung saan nagpaparamihan sila sa mga nabebentang basurang recyclables upang sa murang edad ay matuto na sila sa tamang pangangasiwa ng basura. Mayroon ding Nutrition Month celebration kung saan tinuturuan sila sa wastong nutrisyon at pananatili ng kalusugan. Higit sa lahat, hinuhubog sila upang magkaroon ng magandang asal , pakikisalamuha sa kapwa at pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan.

Bukod sa city government, may mga sumusuporta din sa private sector upang makatulong sa mga activities ng mga Early Childhood Care and Development children kagaya ng mga paaralan, mga civic organizations, mga ospital at iba pang sektor.

Ngayong March 25, Kinilala ang 591 mga batang Early Childhood Care and Development (ECCD) mula sa 11 child development centers ng mga barangay Poblacion 1, 2, 12, 21, 23, 24, Soro-soro Karsada, Cuta, Gulod Itaas, Gulod Labac at Banaba South.

Ito ang ika anim na grupo ng mga batang kinilala sa ika-45 Taon ng Araw ng Pagkilala sa mga Batang ECCD na isinasagawa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) simula pa noong March 19 hanggang 29. May mahigit 4,500 mga batang ECCD na magtatapos sa early childhood development program ng CSWDO ngayong school year 2018-2019.(PIO Batangas City)