- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Job fair para sa mga senior high school grads idinaos
- Details
- Friday, 22 March 2019 - 5:51:17 PM
Mga production operators at service crew sa mga fast food chain and ilan lamang sa mga trabahong pwedeng aplayan sa isinagawang job fair sa Batangas City Sports Coliseum, March 22, ng Public Employment and Service Office (PESO) at Dep Ed para sa mga nagtapos ng senior high school.
May 19 na local companies ang lumahok sa tinaguriang Handog ni Mayor Beverley: Trabaho para sa mga senior high school graduates kung saan sa 1,093 students na lumahok ay 207 and hired on the spot.
Binigyang diin ni PESO Manager Noel Silang na sa pamamagitan ng kanilang tanggapan ay nabibigyan ng oportunidad ang mga kabataan na magkaroon ng magandang kinabukasan. Nagbigay din siya ng career/employment coaching sa mga dumalo.
Ipinaabot ni City Schools Division Superintendent Donato Bueno ang kanyang pagbati sa mga magsisipagtapos na mag-aaral sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si SGOD Chief Dr Vicky Fababier. Ayon sa kanya, apat na direksyon ang maaaring puntahan ng isang SH graduate- kolehiyo, negosyo, trabaho at middle o vocational skills Lubos ang kanilang pasasalamat kay Mayor Dimacuha sa napakagandang proyektong ito na malaki ang maitutulong sa mga senior HS students na piniling maghanapbuhay na upang makatulong sa kanilang pamilya.
Ayon naman kay Herman Catapang, senior HS coordinator, may 13 senior high schools sa lungsod. Bago aniya makapagtapos ang isang bata dito, kinakailangan niyang matuto ng communication skills, innovation and creative skills, technology skills at lifelong skills ayon sa mandato ng Dep Ed.
Dumalo din si Community Affairs Officer IV at tumatayong Head ng Scholarship Program na si Manolo Perlada kung saan kasama niya ang kanyang mga staff na tatanggap ng mga aplikasyon sa mga senior high school students na nagnanais magpatuloy ng kanilang pag-aaral subalit walang kakayahang pinansyal.
Ayon sa mga mag-aaral ng Alangilan NHS na sina Kim Renz Casas ng barangay Tinga Itaas, (Accountancy, Business Management o ABM) strand, plano niya na magpatuloy ng pag-aaral at kumuha ng kursong BS Accountancy. Pagkatapos aniya ng graduation at habang naghihintay ng pagbubukas ng klase sa kolehiyo, magtatrabaho muna siya siya upang makaipon. Susubukan naman ni Clarisse Aguda, (General Academics) strand, na mag-aplay ng trabaho at kung skaling hindi matanggap ay mag-aaplay sa scholarship program ng pamahalaang lungsod. Balak niyang kumuha ng kursong Medical Technology.
Nais din ni Cheryll Mercado, (Science, Technology, Engineering and Mathematics) strand na magkaroon ng part time job habang bakasyon. “Sobrang ganda po ng job fair na ito ni Mayor dahil sa halip na pupunta po kami sa ibat-ibang lugar at kompanya upang maghanap ng trabaho, inilalapit po ng PESO ang mga ito sa amin kaya sobra po kaming nagpapasalamat.” (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.