Multi-purpose covered court pinasinayaan sa Brgy. Sto. Domingo

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Pinasinayaan ni Mayor Beverley Dimacuha, Congressmn Marvey Mariñ0 at Team EBD ngayong March 21 ang mahigit na 9.4 million-multi- purpose covered court sa Barangay Sto Domingo.

ito ay sa kahilingan ni dating Pangulo Pedro De Torres na ipinangako sa mga residente at binigyang katuparan naman ni Mayor Dimacuha. Nakatayo ang court sa mahigit 600 sq.m na lupa na pag mamay-ari ng pamilya Lat at may kumpletong ilaw at pasilidad ng isang basketball court.

Ayon kay Cong. Marino, isa ang covered court na ito na may pinakamagandang yari o disenyo. Bukod sa mga sports activities, mga pagpupulong at iba pang okasyon ng barangay ay magagamit din ang covered court bilang evacuation center sakaling kailanganin.

Binanggit naman ni Mayor Dimacuha ang iba pang proyektong nagawa na kabilang na ang konstruksiyon ng mga karsada, paaralan, tulay at iba pang imprastraktura.(PIO Batangas City)