Kababaihan binigyang pugay sa kanilang papel sa pamilya at komunidad

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-Mahigit sa 3,000 kababaihan ang nakiisa at lumahok sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaiahan sa Batangas City Coliseum ngayong March 8 kung saan sila ay binigyang pugay sa kanilang galing at kakayahan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na “hindi matatawaran ang husay sa paglilingkod ng mga kababaihan sa bayan at komunidad.” Ibinigay niyang halimbawa ang kanya ina na si dating Mayor Vilma na naglingkod ng tapat at ang mga babaeng konsehal na patuloy na nag lilingkod sa lungsod.

Binigyang diin ni Mila Espanola, hepe ng City Social Welfare and Development Office, ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga kababaihan hindi lamang sa kanilang pamilya kundi sa kaunlaran ng kanilang bayan at kapakanan ng kanilang komunidad.

Iba’t ibang gawain ang tampok sa okasyong kung saan ipinakita ang ganda, talento at sipag ng mgakababaihan.

Nahirang bilang Babaeng Makakalikasan 2019 at Most Simple si Lucena Mandigma ng Barangay Conde Labac.

Ang barangay Conde Labac ang 1st place bilang may Pinakamahusay sa Pamamahala ng Materials Recovery Facility (MRF) para sa Rural Category habang ang Poblacion 2 ang first sa Urban Category.

Ang may Pinakamahusay na Pamamahala ng Mini Nursery, rural category, ay ang barangay Malalim, habang sa urban category ay 1st ang Poblacion 2.

Tampok din sa pagdiriwang ang Barangay Cluster Presentation kung saan nagwagi ng first place ang Cluster 5.