Mga estudyante tinuruan tungkol sa pagpatay sa sunog

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Open House ngayong Fire Protection Month ang Batangas City Bureau of Fire Protection (BFP) upang maipakita sa publiko partikular sa mga kabataan ang kanilang mga kagamitan at mabigyan sila ng kaalaman tungkol sa sunog.

May 30 grade 9 students ng Balete Integrated Shool ang sumailalim sa fire safety lecture.

Naranasan nila ang scenario ng sunog at kung ano ang mga dapat gawin sa Fire Suppression Simulation corner at Smoke Evacuation Simulation corner. Tinuruan din sila sa first aid treatment tulad ng cardio pulmonary resuscitation o CPR sa Emergency Simulation corner.

Tampok sa isang exhibit ang display ng fire at disaster rescue equipment habang mayroon ding Kiddie Fire Marshal corner para sa mga pre-schoolers.

Ayon kay Princess Aldovino, natutunan niya sa gawaing nabanggit ang ibat-ibang klase ng sunog at kung ano ang mga dapat gawin kapag nangyari ito. Dapat aniyang balanse ang pagbibigay prayoridad sa safety at security sa tahanan. Binigyang diin din niya na huwag magpanic o maging kalmado kapag may insidente ng sunog.

Bukod sa pasasalamat, binati naman ni Danson Lagar, Senior HS teacher ng Balete Integrated School ang BFP Batangas City sa proyektong ito na nagbibigay kaalaman at kamalayan sa mga kabataan sa kahandaan sa sunog.

Ang BFP Batangas City Open House ay bukas sa publiko at kailangan lamang na magpa schedule ang mga paaralan ng pagbisita dito.(PIO Batangas City)