Batangas City tumanggap ng very good rating sa pagtalima sa RA 9003

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Matapos ang malawakang education campaign ng pamahalaaang lungsod sa lahat ng barangay tungkol sa RA 9003 o Ecological solid Waste Management Act of 2000 , umani ang Batangas City ng very good rating o 87% noong 2018 mula sa Department of Environment and Natural Resources –Environment Management Board (DENR-EMB) sa pagtalima ng mga residente sa nasabing batas.

Ito ang inihayag ni Louie Garcia ng DENR-EMB sa magkasunod na KA-BRAD barangay general assembly ng Solid North at Solid Upland noong March 6 at 7, kung saan isa sa naging tagapagsalita si Garcia.
Ayon kay Garcia nagsagawa sila ng random monitoring at evaluation sa ilang barangay sa lungsod at interview sa mga residente nito.

Nangunguna sa indicators ng nasabing evaluation ay ang Segregation at Source na may kabuuang 35 points. Nakapaloob dito ay ang ordinansang ipinatutupad sa barangay, may magkakahiwalay na basurahan na may label at ang adbokasiya o kaalaman ng mga residente ukol sa tamang pangangasiwa ng basura. Nakakuha ang Batangas City dito ng 34 points.

Pangalawa ay ang Segregated Collection kung saan tiningnan ang schedule of collection, kaalaman ng mga residente sa iskedyul ng koleksyon ng basura, at may magkabukod na sasakyang humahakot para sa nabubulok at di nabubulok na basura. Binigyan ng 33 out of 35 points ang lungsod.

Pangatlong indicator ang Operation of the Materials Recovery Facility (MRF) na may kabuuang 30 puntos. Kabilang sa mga nakapaloob dito ang storage area with labels, signage, pagkakaroon ng actual composting, data sa recyclables recovered /processed and sold at waste diversion rate. Nakakuha ang lungsod ng 20 puntos sa indicator na ito. Hinikayat ni Garcia ang mga barangay na ayusin at gamitin ang kanilang mga MRF.

Ayon kay Garcia tuloy tuloy ang monitoring at interviews na isinasagawa ng Solid Waste Educators and Evaluators Team (SWEET) sa mga barangay at kung sakaling may makikitang mga paglabag sa RA 9003 ay susulatan ang barangay at kung hindi pa rin maayos sa ikatlong pagbisita ay posibleng sampahan ng kasong paglabag sa RA 9003.
Binigyang diin naman ni Garcia na ang Batangas City ay Compliant LGU sa Environment and Natural Resources Management Project (ENRMP) ng World Bank simula pa 2009.

Sa kabila nito ay hinihikayat pa rin nina City ENRO Officer Oliver Gonzales at General Services Officer Joyce Cantre ang mga residente ng lungsod na ipagpatuloy na pakikiisa at pakikipagtulungan para sa pangangalaga ng kalikasan at kalinisan ng lungsod. (PIO Batangas City)