Batangas City Police no1 police station sa Batangas Province

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Tumanggap ng Certificate of Recognition ang Batangas City Police Station bilang “Ranked Number 1” sa City Police Station category dahil sa mahusay at tagumpay na pagsasagawa nito ng 2nd Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO), simula February 18 -24, 2019.

Sa panahong ito ay nakapagsagawa ang Batangas City PNP ng 16 na operasyon laban sa kriminalidad kabilang ang siyam na buy bust operations, kung saan naaresto ang 10 hinihinilang drug pushers . Inaresto rin ang hinihinilang miyembro ng Bagyo Drug Group na diumano’y malaking sindikato ng iligal na droga.

Nahuli rin ng kapulisan ang no.4 Most Wanted Person na si Ryan Manalo na may kasong murder.

Ang recognition ay tinanggap ni Batangas City PNP Chief PSupt Sancho Celedio mula kina Batangas PNP Provincial Director PSSupt Atty. Edwin Quilates at 4th District Congresswoman Lianda Bolilia noong March 4, sa flag- raising at awarding ceremony na idinaos sa Batangas Provincial Police Office (BPPO), Camp Miguel Marvar, Batangas City. (PIO Batangas City