Armas isinuko ng city government sa pulis alinsunod sa gun ban

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

BATANGAS CITY- May 62 ibat-ibang klase ng baril kasama na ang 12 units na nacondemned na ang pansamantalang isinurender ng city government sa Batangas City Police, February 22, sa Batangas City Warehouse kaugnay ng gun ban na ipnatutupad ng Comelec ngayong campaign period at upang ma check na rin kung maayos pa ang mga ito kasama na ang kanilang mga lisensya at iba pang dokumento. .

Ang mga baril na nabanggit ay yuong naka isyu sa City Mayor’s Office, Office of the City Veterinary and Agricultural Services, Defense and Security Services at City Market Office na nasa pangalan ni Mayor Beverly Dimacuha at Joyce Cantre, hepe ng General Services Department.

Ayon kay P/SUPT. Sancho Celedio, hepe ng Batangas City PNP, ang mga isinurender na baril ay pansamantalang nasa pangangalaga ng Batangas City Police habang inaayos ang mga kaukulang dokumento nito. Ang mga condemned na baril naman ay dadalhin sa crime lab para sa ballistic exam upang tingnan kung ito ay may ka match sa anumang record na sangkot sa krimen, kung wala namang record ay isusuko ang mga baril sa firearm & explosive unit for deletion and destruction.

Sinabi naman ni General Services Department Officer Joyce Cantre na ilan sa mga baril ay hindi na maaring gamitin dahil sa may kalumaan at kalawangin na. Idinagadag pa niya na kapag naayos na ang lahat ng mga dokumento ng mga baril na pwede pang gamitin ay saka nila ito ibibigay sa mga hepe ng mga opisinang nabanggit at depende na sa hepe kung sino ang kanilang iisyuhan ng baril.

Ayon kay Po3 Ding Calalo ng Firearms Desk/CPSMU PNCO kailangan lang na dumaan muna ang bibigyan ng baril sa gun safety seminar upang maging reponsable silang gun owners.

Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng dalawang Honda Motorbike CRF 250 2018 model at helmet sa Batangas City Police Station at TDRO upang magamit nila sa pag papatrol at pag momonitor sa lungsod. (PIO Batangas City)