Resorts iniinspeksyon kung ligtas at tumutupad sa business permit requirements

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsasagawa ngayon ng inspection ng mga resorts sa Batangas City ang teams ng Business Permit and Licensing Office (BPLO ) at City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) upang ma check kung ang mga ito ay sumusunod sa mga kondisyong nakasaad sa kanilang business permit at safety requirements sa kanilang operasyon.

Tinitingnan ng BPLO ang business permit ng mga resort, maging ang pasilidad nito kagaya ng bilang ng swimming pool, cottages, restaurants at iba pang amenities upang matiyak na ang permit nito ay naaayon sa serbisyong kanilang ipinagkakaloob.

Ininspeksyon naman ng CDRRMO kung may kaukulang rescue at safety equipment ang mga resort kagaya ng fire extinguisher, first aid kit, boya, at trained and certified life guard kung saan ang bilang ng mga ito ay depende sa laki o lawak ng resort at mga pasilidad nito.

Ayon kay CDRRM Officer Rod dela Roca, taun taon ay nagkakaloob n ng libreng lifeguard qualification training ang kanilang opisina. Ito ay isinasagawa sa loob ng walong araw kung saan ang unang tatlong araw ay para sa First Aid and Basic Life Support at ang limang araw ay para sa Lifeguard Qualification Traning. Katulong sa pagsasagawa ng training ang Philippine Coastguard.

Sinabi rin ni de la Roca na ang mga trained at certified lifeguards ay kailangan muling sumalilalim sa qualification training kada dalawang taon para ma-renew ang kanilang certificate. (PIO Batangas City)