Solar electrification ng San Agapito Isla Verde nagsimula na

  1.jpg 10.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY-May kuryente na ang may 40 kabahayan sa barangay San Agapito, Isla Verde matapos isagawa dito kaninang umaga ang ceremonial switching ng First Solar Micro Grid System and Community Electrification Project ng pamahalaang lungsod at Meralco katuwang ang Department of Energy (DOE) at United States Agency for International Development (USAID).

Bukod sa mga city officials sa pangunguna ni Congressman Marvey Marino at Mayor Beverley Dimaucha, dumalo sa okasyon sina Department of Energy (DOE) Undersecretary Felix William Fuentebella ang mga opisyal ng Meralco sa pangunguna nina Head of Networks, Ronnie Aperocho, President and CEO, Meralco Powergen Corporation, Rogelio Singson at USAID Philippines Deputy Office Chief for Environment and Mission Disaster Relief Paul Aiyong Seong.

Ayon kay DOE Undersecretary Fuentebella, nagkaroon ng interest si DOE Secretary Alfonso Cusi na mapabilis ang electrification ng Isla Verde sapagkat naniniwala siya na dapat maging competitive ang mga eskwela at iyon ay mangyayari lamang kung mayroong kuryente sa kanilang tahanan.

Ang proyekto din aniya ay sinuportahan ng USAID na nagkaloob din ng technical assistance. Ang solar electrification ng Isla Verde aniya ay inaasahang maging simula ng economic development ng Isla Verde. Nanawagan din siya sa mga residente na ingatan at pangalagaan ang renewable energy project na ito at panatilihin malinis at sustainable ang isla.

Sinabi ni Mayor Beverley na ang pagpapailaw sa Isla Verde ay pangarap ng kanyang ama, dating mayor Eddie Dimacuha at nagpapasalamat siya sa mga katuwang na ahensya. “ This is time to rejoice, time to celebrate. Ngayong 2019 liliwanag na rin ang Pasko sa Isla Verde,” sabi ni Mayor Dimacuha. “Si Mayor Beverley at Cong. Marvey ay sumusunod sa yapak ng panunungkulan ni Mayor Eddie,” dagdag pa niya.

Aniya sa umpisa pa lang ay tiniyak na ang proyekto ay hindi makakasira sa kapaligiran at marine resources ng Isla Verde. Binalikan naman ni Cong. Marvey Mariño kung paano niya nilapitan at kinausap si Meralco Chairman, Manny Pangalinan kaugnay ng proyekto. “Pagkatapos ng PBA basketball games sa coliseum ay lakas loob ko pong nilapitan si MVP at hiniling na pailawan ang Isla Verde, after 3 days ay nakatanggap po ako ng letter mula sa kanya at yun na po ang umpisa ng proyekto, na ngayon ay ito na nga sa tulong ng Meralco at mga project partners,” dagdag ni Cong. Marvey.

Ayon kay Brgy. Chairman Edmar Rieta malaking kaginhawahan ang maidudulot ng proyekto sa mga residente lalo na sa mga estudyante dahil makapag aral na sila hanggang gabi. “Matagal na itong pangarap ng mga residente lalo na ng mga matatanda, pero higit na masaya ang mga mag-aaral dahil makakagamit na rin sila ng computer para sa kanilang pag-aaral,” dagdag pa ni Rieta.

Sinabi rin niya na handa ang barangay na makiisa sa mga alintuntunin na ipatutupad kaugnay ng proyekto at umaasa sila na madaling panahon ay mabibigyan na rin ng suplay ng kuryente ang may 300 pang kabahayan sa San Agapito. (PIO Batangas City)