- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
SSS nagpapautang sa mga pensyonado sa mababang interes
- Details
- Thursday, 07 February 2019 - 10:10:00 AM
BATANGAS CITY-Sa mga pensiyonado ng Social Security System (SSS), maaari kayong mangutang sa SSS kung bigla kayong mangailangan ng pera at ito ay mababayaran ninyo sa mababang interes.
Sa naging panayam ng local radio program na PIO ang Lingkod Nyo sa 95.9 ALFM Radyo Totoo kay Jessica Agbay, branch head ng SSS Batangas, sinabi niya na ang Pension Loan Program (PLP) na inilunsad ng SSS noong September 2018 ay nagpapautang sa mga kuwalipikadong retired pensioners. Ito ay bilang tulong ng ahensya sa mga pensyonado upang hindi na sila mangutang sa mga lending agencies na mataas ang sinisingil na interest.
Ang pinakamalaking halaga na pwedeng utangin sa PLP ay P32,000 at ito ay pwedeng bayaran ng automatic deduction sa pension sa loob ng tatlo hanggang anim o 12 buwan depende sa kakayahan ng pensioner na magbayad.
Ayon pa rin kay Agbay mas marami ng retirado ang magkakaroon ng pribilehiyo na makapag loan dahil may 170 na sangay ng SSS ang tumatanggap na ng aplikasyon para sa PLP simula pa noong Oktubre 8, 2018. Sakop ng programa ito ang mga retired pensioners na 80 taon gulang o pababa sa huling buwan ng termino ng pautang; walang ibinabawas sa buwanang pension tulad ng natitirang balanse sa ibang pautang ng SSS o sobrang kabayaran ng benepisyo sa SSS at iba; walang paunang pension na natatanggap sa ilalim ng SSS calamity package; dapat tumatanggap ng regular na buwanang pension na hindi baba sa anim na buwan; at dapat ang estado ng pension ay active. Ang mga retiradong pensionado na nasa ilalim naman ng portability loan at nasa pangangalaga ng isang guardian ay hindi maaring mag aplay sa pension loan program.
Ang mga pensioner-borrowers ay maaring pumunta sa anumang sangay ng SSS. Magdala lamang ng mga kailangang requirements tulad ng SSS ID card, UMID ID card, passport at dalawang valid IDs na may prima at litrato ng pensioner borrower.
Nag laan ang SSS ng P10 biyon para sa PLP at inaasahan na mas maraming retirado ang makikinababang nito.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.