Pasinaya ng CCP nilahukan ng mga Batangas City artists

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg


Lumahok ang mga cultural groups ng ilang mga paaralan sa Batangas City sa 15th PASINAYA Festival 2019 ng Cultural Center of the Philippines noong February 1-3. Ito ay may temang “Karapatan, Kalayaan at Kultura”.

Ang Pasinaya Festival ang pinaka malaking multi-arts festival sa bansa. Libo libong mga bisita ang nagpupunta sa CCP upang saksihan ang Pasinaya na naglalayong mapanatili at mapayabong ang ang sining at kultura ng bansa.

Nagtanghal ang mga resident performers ng CCP sa Nicanor Abelardo Theatre tulad ng Bayanihan Philippine Dance Company, Ramon Obusan Folkloric Dance Troupe, Ballet Philippines, Teatro Pilipino, Madrigal Singers at Philippine Philharmonic Orchestra.

Ang mga perfomers naman ng Batangas City ay ang Diwayanis Dance Theatre ng Batangas State University, na nagsayaw ng Subling Batangas. Maria Clara ang ipinakita ng Likhang Sining Dance Company ng Marian Learning Center and Science High School habang makulay na Mindanao naman ang ipinamalas ng Indak Bambino ng Casa del Bambino Emmanuel Montesorri. Nagtanghal din ang Dulaang Batangan at Adlibitum Chorus na kapwa mula sa Batangas State University.

Dumalo rin dito ang Batangas City Cultural Affairs Committee sa pangunguna ni G. Ed Borbon. (PIO Batangas City)