Kaso ng teen pregnancy bumababa

  1.jpg 2.jpg

Bumaba ang teenage pregnancies sa Batangas City mula 879 noong 2016 hanggang 682 noong 2018 habang patuloy ang education campaign na isinasagawa ng City Health Office sa mga kabataan at kanilang magulang upang maiwasan ang problemang ito sa pamamagitan ng Adolescent Health and Development Program (AHDP).

Ayon kay City Population Program Officer 1V Murita Cunanan, ang pagdami ng teen oregnancy ay nag-uugat sa dysfunctional family o yuong wala ang ama o ina, social media kung saan madaling ma access ang mga porn sites o madaling magkaroon ng karelasyon. Ang kahirapan ay isa ring dahilan kung kayat napipilitan ang mga babaeng teenagers na pumasok sa tinatawag na “survival sex” o prostitusyon upang kumita ng pera.

Ayon sa ulat ng City Health Office, ang top ten barangay na may pinakamataas na kaso ng teen pregnancy noong 2018 ay ang Sta. Clara, Malitam, Cuta, Wawa, Sta. Rita Karsada, Balagtas, Tinga Labac, Bolbok, Kumintang Ilaya, Alangilan at Balete.

Upang matulungan ang mga kabataan na nangangailangan ng tamang impormasyon para sa kanilang reproductive health, may mga teen kiosks na itinatayo sa mga paaralan kung saan pwede silang mabigyan ng counselling o sumangguni sa kanilang mga problema. Mayroong isa nito sa City Health Office. Mayroon ding teen kiosks sa Batangas National High School (BNHS), Lyceum of the Philippines University Batangas (LPU) at iba pang paaralan.

Dahilan sa mas nakakapag communicate ang mga kabataan sa kapwa nila kabataan, nagsasagawa ng Peer Education Training ang City Population Division sa mga piling estudyante ng mga public high schools. Ang mga young educators na ito ang pwedeng lapitan ng mga kabataan upang sila ay mabigyan ng gabay at tamang kaalaman.

Nagsasagawa rin ang nasabing opisina ng mga workshops na may temang “Breaking the barriers , bridging the gap sa mga public high schools kung saan magkasama ang mga kabataan at kanilang mga magulang.

Isa pa rin sa programa ng City Population Division ay ang Youth and Adolescent Key Areas and Geographic Information Network o YAKAGIN na isang “ online system na maaaring gamitin upanag hanapin ang mga health centers, hospitals at mga eskwelahang nagbibigay ng serbisyo para sa mga pangangailangang medical at sosyal ng mga kabataan”. Ang mga ito ay tinatawag na Adolescent Youth (AY) –friendly facilities kung saan pwedeng mag set ng appointment sa kanilang mga staff. Nakapagsagawa ng orientation ang opisina noong 2018 tungkol sa YAKAGIN sa LPU, Batangas State University, BNHS at health service providers ng CHO.

Iniimbitahan ng YAKAGIN ang mga kabataang i avail ang programang ito kung saan hindi na nila mararamdaman na nag-iisa sila sapagkat mayroong mga handang making at tumulong sa kanilang mga problema at isa na ang maagang pagbubuntis na isang balakid sa isang magandang kinabukasan.( PIO Batangas City)