Boy scouts sa City Hall gumaganap bilang city officials

  1.jpg

BATANGAS CITY- Ipinagdiriwang ng Boy Scouts of the Philippines Batangas City Council ang Boy Scout Week mula ngayon, January 21 hanggang January 23, sa pamamagitan ng mga city boy officials na gumaganap ngayon sa City Hall bilang counterparts ng mga opisyal ng lungsod kagaya ng mayor, vice mayor, city councilors, secretary to the mayor, secretary to the Sangguniang Panlungsod at city administrator.

Nahirang na city boy mayor si Mark Raven Bool ng Saint Bridget College (SBC) habang si Celeste Cananua ng Batangas National High School (BNHS) ang napiling vice-mayor at uupo bilang presiding officer ng Sangguniang Panglunsod (SP). Si Angel Panaligan ng Tinga Soro-soro National High School (TISISI) ang Secretary to the SP; Trishia Mae Buela ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori (CBEM) bilang Sec. to the Mayor at Mark Joshua Noche ng Lyceum of the Philippines University Batangas bilang City Administrator.

May counterpart din si Batangas City Council Scout Executive Gilbert Alea na si Cyril Jay Motios. Ayon kay Alea, mas maikli ngayon ang City Boy Week dahil sa paghahanda sa Annual Southern Tagalog Regional Scout Committee (RESCOM) Meeting & Election na gaganapin sa Teachers Conference Center sa January 24. Ito ay dadaluhan ng mga officers & members ng RESCOM 2018, regional scout representative at 2019 council chairman, council commissioner at council executives. Dito tatalakayin ang mga naging kaganapan noong nakaraan taon at magkakaroon din ng reporting, election of officers at pagtalakay sa 2019 calendar scouting observances.

Pinaghahandaan din nila ang Annual Regional Scout Youth Forum sa January 25-27 sa Batangas National High School kung saan inaasahan ang 18 council sa Region Tagalog na may tig 8 official delegates at 16 na observer na senior scout at senior high school ang mga aatend dito.

Nagpapasalamat ang mga scouts sa pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na gumanap bilang mga pinuno ng pamahalang lungsod. Masarap anila ang pakiramdam na mabigyan ng paggalang na parang mga tunay na public officials. (PIO Batangas City)