Sto. Niño pinarangalan ng mga kabataan sa kapistahan nito

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Ipinakita ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan ang kanilang papuri sa Mahal na Patron ng Batangas City sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw at iba pang pagtatanghal sa Alay sa Sto Niño Cultural Presentations na ginanap ngayong January 7 sa Batangas City Convention Center.

Sinimulan ang naturang okasyon sa pamamagitan ng pag-awit ng dalit bilang pagsalubong sa pagdating ng Mahal na Patron sa motorcade nito mula sa Basilica of the Immaculate Conception kung saan ito ay sinundo nina Mayor Beverley Rose Dimacuha, Congressman Marvey Mariño at mga kinatawan ng simbahan. Ang dalit ay isang awit ng papuri sa ating patron upang parangalan siya at hingin ang patuloy niyang patnubay.

Unang nagtanghal ang Batangas National High School Symphony Orchestra na sinundan ng makabagong balagtasan ng mga mag-aaral ng Lyceum of the Philippines University-Batangas.

Isang katutubong sayaw naman ang handog ng Batangas State University habang nagpakitang gilas sa pagtugtog ng instrumentong angklung ang mga mag-aaral ng Scuola Maria.

Nagpuri sa Sto Niño ang mga kinatawan ng Casa Del Bambino Emmanuel Montessori hindi lamang sa pamamagitan ng dasal kundi maging sa pamamagitan ng musika at mga sayaw.

Bilang pasasalamat, isang pangako ng pagpapahayag ng kadakilaan at pag-ibig ng Diyos ang handog ng Cristo Rey Institute for Career Development na sinundan ng makabagong tugtog sa saliw ng ibat-ibang katutubong instrument ng mga mag-aaral ng Saint Bridget College bilang paggunita rin sa Ginintuang Tagumpay ng lungsod.

Nagpakitang gilas sa pagsayaw at pagawit ang mga kinatawan ng Divine Child Academy habang modern dance na hiphop naman ang ipinamalas ng Sikat Kanluran Dance Troupe ng High School Department ng University of Batangas.

Sa pamamagitan ng awit at sayaw, ipinakita ng mga mag-aaral ng Marian Learning Center and Science High School ang kabuuan ng yamanglahi at kulturang kinagisnan sa mga sayaw ng Likhang Sining Folkdance Troupe.

Bilang pangwakas, itinanghal ng mga mag-aaral ng Colegio ng Lungsod ng Batangas ang sayaw na subli bilang pagpapakita ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa panalangin at pagsamba sa Sto Niño.