CLB ipinagdiwang ang business week

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Sa unang pagkakataon, ipinagdiriwang ng mga Business Administration students ng Colegio ng Lungsod ng Batangas ang kauna unahang Business Week nitong December 5-7 sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing naglalayong mapukaw ang interes ng mga estudyante sa pagnenegosyo.

Ang unang araw ay sinimulan sa isang Banal na Misa, kasunod ang isang programa kung saan nagbigay ng mensahe sina Dr. Lorna Gappi, College Administraton, at Dr. Feliciana Adarlo, Vice President for Academic Affairs.

Pagkatapos ng programa, nagkaroon ng academic competitions tulad ng quiz bee, extemporaneous speech, photo interpretation, malayang pagtula at product concept oral presentation.

Sa ikalawang araw naman ang cultural competitions tulad ng Dancesports at Your Face Sounds Familiar Isinagawa naman ang business research seminar at educational plant tour sa 3rd day.

Ang Business week celebration ay may temang “Harnessing the Business Administration Students Potential through Academic and Cultural Competition”. (PIO Batangas City)