Barangay hall na ipinagawa ng DPWH pinasinayaan

  1.jpg 2.jpg

BATANGAS CITY- Sa wakas, mayroon ng sariling barangay hall ang Barangay Wawa pagkatapos ng mahabang panahon ng pansamantalang pag-00pisina sa isang day care center sa barangay.

Ang P2.8 milion-barangay hall na katabi ng coverd cout ay ipinagawa ng Department of Public Works and Highways sa pakikipag-ugnayan ng pamahalaang lungsod ay pinasinayaan ngayong araw na ito, December 5, sa pangunguna nila Mayor Beverley Rose Dimacuha, Board Member Bart Blanco at mga barangay officials.

Nagpasalamat si Pangulong Restituto Roce sa proyektong ito sapagkat matagal na nilang minimithi na magkaroon ng barangay hall kung saan komportable at maayos nilang mapaglilingkuran ang mga residente. (PIO Batangas)