Christmas kick off sa Batangas City muling nagpaganda ng gabi

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Opisyal ng sinimulan ang pagdiriwang ng Pasko sa Batangas City sa pamamagitan ng ceremonial switch on ng christmas lghts sa kahabaan ng P. Buros St. papunta sa Plaza Mabini, City Hall at mga kalapit na kalye sa poblacion.

Inabangan ito ng mga tao sa Plaza Mabini kung saan excited ang marami na mag picture- taking sa background ng mga naggagandahang LED lights at Christmas decorations.

Ang seremonya ay pinangunahan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha, City Councilors at mga department heads ng pamahalaang lungsod pagkatapos ng isang maikling cultural program sa Amphitheatre ng Plaza Mabini.

Nagtanghal sa nasabing programa ang Dangal ng Lungsod ng Batangas Chorale, Likhang Sining Dance Company ng Marian Learning Center and Science High School kabilang na dito ang performances ng mga singers ng nasabing grupo, at Batangas National High School Special Program in the Arts Symphony Orchestra. (PIO Batangas City)