BSU BSBA students champion sa 12th Conference of Aspiring Marketing Professionals

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

Bukod sa engineering courses, gumagawa na rin ng pangalan ang Batangas State University (BatStateU) sa larangan ng business marketing sa tagumpany na inaani ng mga Bachelor of Science in Business Administration students nito sa national level competition.

Noong nakalipas na tatlong taon, ang Junior Marketing Executives BatStateU ang isa sa Top 3 ng bansa mula sa 163 universities sa Top Outstanding Junior Marketing Association in the Philipines (TOJMAP) 2015, sunod sa De La Salle University at UP Diliman.

Nitong November 2018, pinatunayan ng mga BSBA students ng BatStateU ang kanilag galing sa marketing ng humakot sila ng awards sa 12th Conference of Aspiring Marketing Professionals (CAMP) na itinaguyod ng Association of Marketing Educators of the Philippines, Inc. (AME) sa FilOil Flying V Arena, San Juan City. Ang tema ng event ay “Marketing Flashback Fastforward”.

May 10 universities ang nagtunggali kabilang ang University of the East, New Era University, Far Eastern University, Shang Cai Shek, Adamson University, Angeles Colleges, Tarlac State University, Lyceum of the Phils.-Manila, Holy Angels University at BatStateU.

May anim na marketing categories ang inilatag upang ipakita ng mga estudyante ang kanilang excellence sa actual application ng mga marketing strategies at tactics.

Champion ang BatStateU sa Retail at Franchising Plan category kung saan coaches sina Dr. Carmela Macatangay at Ms. Jeca Marie Pasay; 1st runner sa Marketing plan category, Mr. Michael Lagaya, coach; 2nd runner up sa Digital Marketing Plan at Webpage Design, Dr. Nickie Boy Manalo at Mr. Jason B. Reyes, coaches; at third runner up sa Marketing Quiz, Dr. Irene Maralit, coach. (PIO Batangas City)