City Mayor’s Office, kampeon muli sa Mayor’s Cup Bowling Tournament

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Sa ikalawang pagkakataon back- to-back champion ang City Mayors Office (CMO) sa isinagawang 2018 Mayor Beverley Rose Dimacuha Cup Bowling Tournament sa pangangasiwa ng City Council for Youth Affairs.

Ang bowling tournament na ito ay isa sa mga sports events na itinataguyod ni Mayor Dimacuha hindi lamang upang mapaigting ang magandang samahan ng mga empleyado kundi upang mahasa ang galing nila sa sports. May 14 ng departamento ng pamahalaang lungsod ang lumahok kung saan bawat team ay binubuo ng 12 miyembrong lalaki at babae.

Bukod sa pagiging champion, top team qualifier at highest team single and double din ang CMO. Tumanggap sila ng cash prize na P5, 000 at P1, 000 sa bawat additional award na nakuha. Ang team captain nila ay si Romano Alexander Basco ng Public Information Office.

Nanalong 1st runner-up ang City Enro, 2nd runner-up ang City Engineers Office, at 3rd runner- up ang City Market Office. Napiling Most Valuable Player for Men at Highest Individual Single si Carmelito De Guzman ng CMO, MVP for women naman si Melissa Berania ng City ENRO, Highest Individual Double si Adrian Magadia ng GSD, at Highest Pinning sina Agosto Perez ng Assessor’s Office at Noel Perez ng CityENRO. (PIO Batangas City)