Batangas City, host ng Inter Division Sports Competition

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Pormal na binuksan ng Department of Education Batangas City ang tatlong araw na 2018 – Inter Division Sports Competition na nilahukan ng mga high school students buhat sa ibat-ibang paaralan sa probinsiya ng Batangas sa Batangas City Coliseum kahapon, November 20.

Sinimulan ang programa sa Entrance of Colors ng mga athletes, coaches, school officials at iba pang participants papasok sa loob sa Batangas City Coliseum. Kabilang sa mga schools na lumahok sa kompitisyon ay buhat sa Lipa City, Tanauan City, Batangas Provincial Division at Batangas City.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na maituturing na fulfilment ng isang magulang na makitang naaabot ng kanilang mga anak ang kanilang pangarap. Sinabi ni Dimacuha na “tunay nga pong mahalaga ang edukasyon kaya lalo po naming pinalawak ang aking asawa at katuwang ko na si Congressman Marvey Marino ang mga programang pang edukasyon sa lungsod”.

“Isa pang nakakapag palawak ng kaalaman at karanasan ng ating mag-aaral ay ang pagsali sa mga palakasan katulad nito. Naniniwala ako sa paninindigan ng DEP-ED sa patuloy na paghikayat sa ating mga kabataan na maging aktibo sa sports. At sa ganitong paligsahan makakatuklas tayo ng mga mahuhusay na manlalaro na mga potential medalists sa ibat-ibang larangan ng palakasan. Ito pong gawaing ito ay pwede po natin tawaging “grass roots efforts” sa pagtuklas ng mga potential na atleta” dagdag pa ni Dimacuha

Pinasalamatan naman ni Dr. Carlito Racapor, assistant director ng DEP-Ed Region 4-A Calabarzon, ang lungsod sa pagiging host city ng nasabing competition. Aniya, layunin ng gawaing ito na mag karaoon ng camaraderie ang bawat kasali upang sa ganon magkaroon ng friendly competition upang lalo pang madevelop ang talento sa larangan ng sports. Sinabi pa niya na dito pipili ng mga atleta ipang lalaban sa region at national sports competition.

Nagkaroon din ng Lighting of the Friendship Torch, Oath of Amateurism na pinangunhan ni Lillian Margaret Ebora, NCAA South- gold medalist sa Table Tennis Girls sa Batangas City habang pinangunahan naman ng MAPEH EPS division superintendent, Division PESS Coordinator at Assistant School Division Superintendent ang Hoisting of the Division Flag at Official Oath na ginampanana ni Nicolas Asi Education Program Supervisor I MAPEH. (PIO Batangas City)