City Health Office employees nagsanay sa water rescue

  1.jpg 2.jpg 3.jpg

BATANGAS CITY-Hindi lamang medical at heath services ang concern ng City Health Office (CHO) kundi ang pagsagip ng buhay sa tubig sa panahon ng kalamidad at emergency Kaugnay nito, sumailalim ang 30 personnel ng CHO sa tatlong araw na seminar at training sa Basic Water Safety Survival ng Philippine Coast Guard Batangas (PCG) sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction Management Office CDRRMO). Ang seminar ay ginanap noong November 13 sa olympic-size swimming pool ng Batangas City Sports Coliseum.

Kabilang sa mga itinuro ang iba’t ibang paraan ng paglangoy kagaya ng freestyle, breast stroke, side stroke at survival back stroke. Itinuro rin ang mga paraan kung paano makatatagal sa ilalim ng tubig at mabisang technique para sa mas matagal at malalayong paglangoy. Tinuruan din ang mga trainees kung ano ang mga dapat gawin sakaling tumaob ang sinasakyang rubber boat.

Ayon kay Po1 Roy Villanueva ng Special Operation Unit ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog, mahalaga ang patuloy na kaalaman at pagsasanay sa pagsagip ng buhay. (PIO Batangas City)