Kampanya sa waste segregation at pagbabawal sa plastic isinasagawa sa mga barangay

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Nagsimula ng magsagawa ng baseline monitoring at information education sa tamang pangangasiwa ng basura ang 11 Solid Baybay cluster coordinators sa may 19 coastal barangay noong November 7 bilang bahagi ng pagpapatupad ng City ENRO ng R. A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ang myembro ng cluster coordinators ay composite team mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang lungsod.

Unang ginawa ng grupo ang status checking o tinitingnan ang kasalukuyang sistema ng pagatatapon ng basura ng barangay. Tinitingnan din kung mayroong aktibong Barangay Solid Waste Management Council ang barangay at kung mayroon itong solid waste management plan.

Naobserbahan ng grupo na mas maraming mga barangay ang nagpa practice ng waste segregation at sumusunod sa plastic ban. Ang iba naman ay nagtatapon ng basura sa hukay ng samasama o kaya naman ay nagsusunog ng basura.

Itinuro ng mga coordinators sa mga taga barangay na mag bukod ng basura sa kanilang bahay at magtayo ng sariling MRF sa bakuran kahit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga drum o sako kung saan pwedeng ilagay ang mga nabubulok, mga recyclable at residual wastes. Ang mga ito ay kokolektahin at dadalhin sa MRF ng sitio habang ang sa sitio naman ay dadalhin sa barangay upang kolektahin ng hauler ng city. Ang pagiging aktibo ng council ay susukatin sa pamamagitan ng mga nabebentang recyclables.

Binigyang diin din dito ang multa sa mga lalabag sa batas.

Matatapos ang baseline monitoring sa November 29 at magsisimula ang second wave ng pagbisita sa barangay sa January 2019. (PIO Batangas City)