- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Workshop upang maiwasan ang teen pregnancy isinagawa ng City Popcom
- Details
- Friday, 16 November 2018 - 4:39:16 PM
BATANGAS CITY- Humigit kumulang sa 100 senior hgh school students ang sumailalim sa “U4U Teen Trail Experience na isinagawa ng Popcom Division ng City Health Office sa pakikipagtulungan ng Commission on Population Region lV-A noong November 15 upang maturuan ang mga ito kung papaano maiiwasan ang teen pregnancy.
Isa ang Batangas City sa may mataas na bilang ng teen pregnancy kung saan ang pinakabatang kaso ay 10 taong gulang ayon sa Popcom.
Tinalakay sa Teen Trail experience ang Teen Wait, kung saan nagkaroon ng lecture tungkol sa Risk of Teenage Pregnancy; Teen Color tungkol sa Gender Sensitivity; Teen Code - kung saan tinalakay ang Human Trafficking and the Right of Adolescents, Human Trafficking Cyber Crime at Teen Chat kung saan binigyan ng pansin ang Changes during Adolescence. Ito ay bahagi rin ng kampanya ng Popcom sa tamang pagpaplano ng pamilya na may temang “Informed Choice and Family Planning Toward Empowered Filipino Families”.
Ayon kay Andy Pergis, planning officer II ng Commission on Population Region 4, ito ay isang pamamaraan ng interactive at non formal teaching sa mga kabataan na mismo sila ang facilitator. “Naniniwala po ako na mas higit na pinaniniwalaan nila yun kapwa nila ka edad kesa dun sa mga pormal na pagtuturo. Ang kanilang matutunan dito ay parte na rin ng adbokasiya ng gobyerno upang makawaiwas sa lumalalang teenage pregnancy”.
“Mahalagang malaman natin ang pananaw ng mga kabataan sa family planning, para makita natin kung ano ang pagkakaintindi nila dito base sa kanilang edad, nang sa gayon maituro pa natin sa kanila kung ano ang tama para sa kanila,” dagdag pa ni Pergis. Ayon naman kay Murita Cunanan ng Popcom Division, maraming interventions sila upang ma address ang teenage pregnancy tulad ng “breaking the barriers" kung saan ini encourage o ini invite nila ang mga parents kasama ang mga anak at tinatalakay ang parent/child relationship, child's school performance at boyfriend/girlfriend relationship.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.