Drug-affected barangay sa Batangas City patuloy na bumababa

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Iniulat ni Batangas City PNP Chief PSupt Sancho Celedio sa pagpupulong ng City Advisory Council (CAC) noong November 7 na sa 105 barangay ng Batangas City, may 61- drug-affected barangay na lamang ayon sa record ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA .

Ayon sa kanya, Ito ay magandang accomplishment ng kanilang istasyon dahil nabawasan ng 37 ang 98- drug affected barangay noong nakaraang taon. “This station aims to lower the drug-affected barangay from 61 to at least 30.”

Malaki rin aniyang accomplishment ng kapulisan ang pagkakahuli sa no. 1 Most Wanted Person na si Mark Anthony Bugayong na may kasong murder at malversation of public property at Billy Joe Ibon na no.9 Most Wanted sa kasong carnapping.

Tumaas rin ang crime clearance efficiency ng City PNP station kung saan ito ay 92.61% mula Enero hanggang Oktubre 2018 kumpara sa 87.01% noong kaparehong mga buwan ng 2017. Ito ay ang mga kasong (hindi kasama ang vehicular accidents) na nai-file sa korte.

Tinukoy naman ni Councilor Mando Lazarte, chairman ng CAC, ang ipinatutupad na Anti-Social Behavior Ordinance kung saan ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa kalye, paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, paggala ng nakahubad, at iba pa. Hiniling niya na i-deputize ang mga barangay tanod upang makatulong ng kapulisan sa panghuhuli ng lumalabag sa nasabing ordinansa.(PIO Batangas City)