Agri-machinery equipment ipinamahagi sa mga agricultural workers

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

BATANGAS CITY-Sa ika-4 na araw ng pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisher Folks Week (November 5-9) na isinagawa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), iba’t ibang agri-machinery equipment ang ipinamigay ng pamahalaang lungsod at ng Department of Agriculture bilang suporta sa mga nabanggit na agricultural workers.

Namigay ang pamahalaang lungsod ng multi-tilling machine sa Batangas City Vegetable Growers Association at multi-purpose shredding machine sa Sorosoro Ibaba Barangay Agriculture and Fishery Council (BAFC).

Namigay naman ang DA Region 1V-A ng farm tractor at hermetic cocoon sa Sorosoro Multipurpose Allied Services Coop, hermetic cocoon kay Rodelita de Ocampo at farm tractor sa Batangas City Vegetable Growers Association Upang maipakita ang kahusayan ng mga magsasaka sa food production, nagkaroon ng Search for “Pinaka-“ Best Agricultural Harvest kung saan ipinakita ang mga naglalakihang produkto. Ang mga nanalo ay ang sitaw ni Chona Agvola ng Banaba Center, cassava ni Onofre Ochua ng Sampaga, papaya ni Manuel Castillo ng Balete, saba ni Emmanuel Salada ng Soro-Soro Ibaba, yellow corn ni Rodelita De Ocampo ng Banaba South, talong ni Monte Manalo ng Pinamucan Ibaba at kalabasa ni Jun Casas ng Soro-Soro Karsada.

Nagkaroon din ng seminar tungkol sa Modern Approach on Swine Production and Management na tinalakay ni Dra. Anne Jasmine Orellana ng Univet Nutrition and Animal Health Care Co. Itinuro niya ang tamang pangangalaga ng baboy, tamang pagbibigay ng mga bitamina at ang sistema kung papaano lalaki ang kita dito.

Tinalakay naman ng agricultural technologist ng San Miguel Food Corporation na si Bayroon Pintang ang Bussiness Opportunity Seminar for Cooperatives on Cassava Marketing. Malaki ang produksyon ng cassava sa lungsod kung kayat tinutulungan ng Cooperative Division ng OCVAS ang mga growers nito sa marketing ng produkto na ginagawang feeds. Sa kasalukuyan, may tie up ang OCVAS sa San Miguel Food Corporation at Tuy Market and Community Multipurpose Coop na accredited ng San Miguel sa pagbebenta sa kanila ng cassava products ng lungsod.

Laking katuwaan naman ang contest na Habulan ng Biik kung saan dapat mahuli ang biik sa loob ng tatlong minuto. Pagalingan dito ang tatlong lalake kalaban ang tatlo ring babae.

Nagkaroon din ng raffle na ang premyo ay dalawang biik at dalawang kambing.(PIO Batangas City)