Nutrition communicators pinag-aralan ang best practices sa Benguet

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BAGUIO CITY – Bumisita ang Comunicators Network for Nutrition (CNN) ng Calabarzon at ang PROMO Nutricom ng MIMAROPA sa Tuba Benguet sa pangunguna ng National Nutrition Coucil Region 1V-A kung saan pinagaralan nila ang mga best practices doon sa pagpapalaganap ng nutrisyon at iba pang health programs sa ilalim ng Technical Exchange Program noong Nov. 5-7.

Kabilang sa delegasyon ang Batangas City na kinatawan ni Alvin Remo ng Public Information Office.

Isa sa mga programang nakita rito ay ang Nutri Pasada kung saan pinupuntahan ang mga malalayong lugar ng Cordillera Region upang mabigyan sila ng edukasyon tungkol sa nutrisyon at iba pang health services. Ito’y inumpisahan noong 2013 kung saan prayoridad ang mga lugar na may malaking bahagdan ng malnutrisyon.

Pinuntahan ng grupo ang mga bulubundukin ng Tuba, Benguet upang masaksihan ang pamamaraan nila ng pagtatanim sa napakataas na lugar na kanilang tinitirahan. Maliit ang mga espasyo ng lupa na pwedeng taniman sapagkat dikit dikit ang bahay. Sa kabila ng problema sa espasyo, bawat bahay ay may mga taniman ng mga gulay sa mga malalaking drums na hinati. Aktibo rin ang mga barangay nutrition scholars (BNS) sa kanilang lugar at regular na minomonitor ang mga residente upang maseguro na ang mga ito ay nakikinabang sa mga proyektong pangkalusugan. (PIO Batangas City)