Plant propagation at aquaponics itinuro sa mga magsasaka, mangingisda at estudyante

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week na may temang “Sigurado at Ligtas na Pagkain sa Bawat Hapag, Ngayon at sa Hinaharap”, nagdaos sila ng seminar tungkol sa Plant Propagation at Aquaponics na dinaluhan ng mga magsasaka, mangingisda at senior high school students.

Ayon sa resource speaker sa plant propagation na si Emma Agdon, senior agriculturist ng OCVAS, may tinatawag na sexual propagation kung saan kailangan ng female at male na sanga para makapag produce ng bagong halaman. Ito raw ang pinakamadaling paraan para makapagpatubo ng halaman.

Ipinakita ng resource speaker na si Renato Magsino kung paano ang plant propagation sa pamamagitan ng pagdugtong ng dalawang magkaibang halaman o ang tinatawag na graft and budding. Pinutol niya ang isang nakatanim na sanga, hinati ito sa gitna ng may isang pulgada at pagkatapos ay kumuha ng isa pang sanga, binalatan ito, idinugtong sa hinating sanga at tinalian ng plastic. Sa loob aniya ng 21 araw ay susuloy na ito.

Tinalakay naman ni Edmund Ruhle, technical manager ng Aquaponics kung paano makabuhay ng halaman sa aquarium gamit ang dumi ng isda. Nagpakita siya ng mga litrato ng iba’t ibang modelo ng aquaponics, kung saan sa ibabaw ng aquarium ay may raft bed na pag tataniman ng halaman. May water pump sa loob ng aquarium paakyat ng raft bed at sa gitna naman ng raft bed ay may water filter na magbabalik ng tubig na hinihigop ng water pump sa aquarium.

Nakapaloob dito ang aquaponics cycle kung saan nagpo produce ng wastes ang isda, ginagawang fertilizer ng microbes ang wastes, at pini filter naman ng plants ang tubig na bumabalik sa isda.(PIO Batangas City)