Agricultural products tampok sa Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week celebration

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Iba’t ibang produkto ang mabibili sa Agri-Fishery Exhibit/Fair na binuksan ngayon sa ground ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services Office (OCVAS) bilang bahagi ng pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week mula November 5-9. Ito ay isinasagawa ng OCVAS upang kilalanin ang papel na ginagampanan ng mga taong ito sa pagpapalago ng agkrikultura ng Batangas City.

Makikita sa exhibit ang mga produkto ng mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC) kagaya ng mga kakanin, mushroom products, peanut butter, banana chips, turmeric, mga prutas, halaman at iba pang produkto ng mga magsasaka.

Sa kanyang mensahe sa opening ceremonies,, hinikayat ng hepe ng OCVAS na si Dr. Macario Hornilla ang mga tao na magtanim ng mga prutas at gulay sa kanilang bakuran o bakanteng lupa upang lumago pa ang food production. Ang kakulangan sa supply ng mga tanim na pagkain ang isang dahilan aniya ng pagtaas ng presyo ng mga produktong ito kayat makakatulong ang pagtatanim.

Nagsilbing guest speaker si Konsehal Sergie Atienza na siyang chairman ng Committee on Agriculture and Cooperatives ng Sangguniang Panlungsod. Aniya, bagamat nasa ikatlong termino na siya ng kanyang panunungkulan, ipagpapatuloy niya ang pagsusulong ng mga ordinansa at resolusyong makakatulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga miyembro ng kooperatiba.

Natutuwa din siya aniya na maraming mga kabataang mag-aaral ang dumalo sa naturang okasyon upang maipasa sa henerasyong ito ang mga kaalaman sa pagsasaka at pangingisda.

Pinagkalooban ng OCVAS si Atienza ng plaque of appreciation sa suportang ipinagkakaloob niya para sa kaunlaran ng agrikultura.

Nagsagawa rin ng simultaneous seminars sa Artificial Plant Propagation, Aquaponics at New Approach on Large Ruminants Production and Management. Napapanahon naman ang product demonstrations sa Christmas Décors at Fruit and Vegetable Carving.

Ang contests sa coco coir twining at coco coir hanging pot making ay nagpapakita na pwedeng kumita sa iba’t ibang agribusiness kagaya nito. Kailangan lamang ng creativity at sapat na puhunan.

Bago ang opening ceremonies, binasbasan ang bagong biogas digester na gagamitin ng OCVAS sa pagkakaroon ng sariling kuryente gamit ang mga agricultural wastes.(PIO Batangas City)