Meat vendors nag seminar sa meat safety

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY –Mahalaga na ligtas at malinis ang karneng nabibili natin sa palengke at supermarket upang maiwasan ang pagkakasakit kung kayat may mga responsibilidad na dapat tupadin ang mga meat handlers at vendors.

Ayon sa hepe ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) na si Dr Macario Hornilla, mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga meat vendors kung kayat mahalaga din na mabigyan sila ng sapat na kaalaman hinggil sa food security and safety.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Farmers, Cooperators and Fisherfolks Week ng OCVAS, itinalaga ang araw na ito bilang Meathandlers Day kung saan nagbigay ang Livestock Division ng seminar sa Meat Vendors Awareness on Meat Safety.

Nagsilbing resource speaker si Dr Ma Fatima Amparo, meat control officer I ng Provincial Veterinary Office kung saan ibinahagi niya ang mga paraan kung paano mapapanatiling sariwa at ligtas ang karne. Tinuruan dito ang mga meat vendors, stall/shop owners at slaughterhouse workers sa tamang slaughtering practices at tamang paghawak ng karne.

Ayon kay Dr. Amparo, mahalaga na mayroong health certificate at sumusunod sa Meat Inspection Code ang mga magtitinda ng karne.

Tinalakay ni Teresa Magno, consumer protection officer ng National Meat Inspection Service (NMIS), Regional Technical Operations Center sa Lipa City ang Implementing Rules and Regulations ng Administrative Order No. 5 o ang Hygienic Handling of Newly Slaughtered Meat . Itinuro niya dito ang mga paraan sa tamang pagkakatay, paghahawak at pagbebenta ng karne upang masiguro na ito ay ligtas hanggang sa makarating sa hapag kainan ng mga consumers. Nagsalita rin siya tungkol sa AO No. 6 o Hygienic Handling of Frozen, Thawed and Chilled Meat.

Payo nio Magno na mas magaling na mamili ng karne sa umaga upang malinaw na makita ang uri ng karne. “Gamitin ang inyong senses of seeing, smelling at feeling. Tingnan kung mapula ang karne, hindi lumulubog ang karne pag pinindot at hindi malansa o mabaho ang amoy,” sabi niya.

Mahalaga din aniyang may meat inspection certificate o tatak ng pagkasuri ng karne at bumili sa mga mapapagkatiwalaan o maayos at malinis na magtitinda. “Hindi yung palipat lipat ng pwesto, hindi nakapabango, walang makeup at alahas,” dagdag pa ni Magno.

Dapat din aniyang panatilihing nasa freezer ang mga frozen meat na ibinibenta sapagkat kung ito ay inilabas ng freezer at tumaas ang temperature ay magiging prone ito sa bacteria.

Ayon kay Dr. Hornilla, ipinatutupad nila ang pagsusuot ng uniform, apron at hair net sa mga meat vendors bilang hygienic practices. (PIO Batangas City)