Batangas City lumahok sa 2018 4th national earthquake drill

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Nakiisa ang mga kawani ng pamahalaang lunsod at ang dalawang public elementary schools sa Batangas City sa ginanap na 4th quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bandang 7:30 ng umaga.

Ito ay pinangunahan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire Protection, City Social Welfare and Development Office, Philippine Red Cross Batangas Chapter, Public Information Office, at Barangay Disaster Risk Reduction Management.

Sa Pallocan East Elementary School, mahigit 200 estudyante ang lumahok sa earthquake drill. Pagtunog ng alarm bell, mabilis silang nakalabas ng kanilang mga classrooms habang naka duck, cover and hold papuntang designated evacuation area.

Ayon kay Ms. Mylene Pollera, principal ng nasabing paaralan, magandang masanay ang mga bata sa earthquake drill sapagkat pwede nilang ibahagi at ituro ang kanilang natutunan sa kanilang mga pamilya.

Isa aniya sa kanilang tututukan ay ang palakasin ang kanilang pre-identified working areas katulad ng incident command post, medical treatment area, staging area at emergency response committee.

Nagkaroon din ng earthquake drill sa Calicanto Elementary School kung saan nakita ng mga evaluators na malayo ang evacuation area at nasa labas ng paaralan dahilan sa kakulangan ng space dito.(PIO Batangas City)