National Correctional Consciousness Week ipinagdiriwang

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Mga bIlanggo man sila na nagkasala sa lipunan, mayroon din silang karapatang pantao na dapat irespeto at mga pangangailangan na dapat tugunan.

Sa pagdiriwang ng National Correctional Consciousness Week ngayong October 23-27, iba’t ibang activities ang inihanda ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa San Jose Sico Jail para sa mga inmates na tinatawag nilang persons deprived of liberty.

Sinabi ng city jail warden na si Chief Inspector Neil Felipe Ramos na isang pagkakataon ito upang maibsan ang nararanasang hirap ng mga preso sa kulungan at mapagukulan ng pansin ang kanilang mga pangangailangan.

Isa sa mga activities ang basketball games para sa mga lalake at volleyball naman para sa mga kababaihan. Mayroon din sa livelihood kung saan tinuruan ang mga babaeng inmates ng cosmetology at paggawa ng tapa.

Nagimbita rin ng mga grupo at service providers na ka partners ng BJMP sa pagdiriwang kagaya ng Integrated Bar of the Philippines na nagbibigay ng legal consultation. May mga volunteers at religious groups naman na nagle lecture tungkol sa values formation habang ang Parole Probation naman ang nagpapaliwanag kung papaano maging eligible sa parole ang isang inmate.

Mayroon ding medical at dental clilnic.

Isang kasayahan naman ang Search for Mr. & Ms NACOCOW 2018 Kung saan may 12 pares ang magpapakita ng kanilang galing at talento sa pag sayaw at pag-awit.

Ang mga nanalo ay sina Gayrick Abante at Jaycel Batler para sa Mr. & Ms. NACOCOW 2018 at People’s Choice Award, 1st runner-up at best in production number sina Januses Castillo at Ava Nussair, 2nd runner-up sina Ireneo Asihan at Jamaica Panopio, 3rd runner-up sina Rommel Caguia at Janet Macatangay.

Para sa special award nakuha ni Castillo at Nussair ang best formal attire, best in talent sina Darwin Amado at Veronica Villaruz, photogenic sina Wilfred Jacinto at Melody Pateners, best in Q&A sina Asihan at Batler, congeniality sina Marvin Villamor at Ma. Criselda Beredo, darling of the crowd sina Darwin Amado at Marinella Caguia at best in sports wear sina Jerick Amante at Jamaica Panopio.

Maluwag na ngayong ang kulungan matapos makalaya ang marami sa dating 700 o higit pang inmates na karamihan ay nakulong dahil sa drug cases. Sa kasalukuyan ay 60 ang babae at 536 ang lalake.

Ang tema ng pagdiriwang ay “Pagbabago sa Kanlungan ng Piitan ay Tunay na Makakamtan sa Makabagong Pamamaraan”.(PIO Batangas City)