St. Bridget community center nangangalaga sa mga hospitality workers

  1.jpg 2.jpg

BATANGAS CITY- May 25 hospitality workers na nagtatrabaho sa mga night clubs at entertainment bars sa Batangas City ang sumailalim sa seminar tungkol sa pangangalaga sa kanilang sexual health at disaster risk reduction and management para sa kanilang kaligtasan sa pagtataguyod ng St. Bridget Community Center (SBCC).

Ito ay idinaos sa Doreens KTV Bar, October 19, sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office at iba pang katuwang na ahensiya.

Ayon kay Rosalie Aguila, program coordinator ng SBCC, kabilang sa mga topics sa seminar ay ang tungkol sa HIV, Teenage Pregnacy, Family Planning at iba pang may kinalaman sa kanilang trabaho. Tinalakay din dito kung ano ang mga dapat gawin sa panahon ng iba’t ibang kalamidad, aksidente o emergency.

Sinabi rin niya na karamihan sa mga hospitality wokers ay mula sa ibat-ibang bayan at kalimitan ay nanggaling sa broken family, biktima ng sexual abuse o yung kulang sa atensiyon at pagmamahal. Sa kanilang programang Gabayan ang Kababaihan, “special women” ang tawag nila sa mga kababaihan na ganito ang trabaho. Tinututukan din nila ang mga menor de edad na makabalik sa pag aaral. “Mayroon kami ka partner na agency na makakatulong sa kanila na mabigyan ng trabaho kung ayaw na nilang maging hospitality workers at gusto ng manirahan sa Batangas City.”

Ayon pa rin kay Aguila, sa tulong ng kanilang programa ay marami na rin ang nakapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS, ang iba naman ay nakapag-asawa ng taga rito sa lungsod at may pamilya na habang ang iba naman ay mayroon ng negosyo.(PIO Batangas City)