BADAC palalakasin sa gera kontra droga

1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Upang mas mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga, sumailalim sa Capability Enhancement Seminar ang mga miyembro ng Barangay Anti Drug Abuse Councils (BADAC), October 10, sa Batangas City Convention Center sa pagtataguyod ng Office of the Mayor at pakikipagtulungan ng city Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Batangas City Police.

Mahalaga ang papel ng BADAC sa pagsugpo ng droga sapagkat sila ang itinuturing na nasa “first line of defense” at siyang unang nakakaalam ng sitwasyon sa kanilang lugar.

Sa kasalukuyan ay may BADAC na ang lahat ng 105 barangay sa lungsod kung saan ito ay binubuo ng barangay chairman, secretary, barangay councilors na miyembro ng Committee on Peace and Order at ang SK chairman.

Sa mensaheng ipinaabot ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na kinatawan ni Community Affairs Office Supervising Administrative Officer Manolo Perlada, sinabi niya na importante ang mag karoon ng anti-drug abuse council ang isang barangay dahilan sa sila ang unang makakaalam at makakaresponde sa mga drug activities sa kanilang lugar. Sinabi rin niya “na sa pamamagitan ng seminar na ito, pinapalakas natin ang BADAC. Dito muli po natin pag-aaralan ang inyong tungkulin na magplano, gumawa ng estratihiya, magpatupad at suriin ang mga programa at proyekto hinggil sa pagsawata sa drug abuse sa barangay.”

Kabilang sa tinalakay ang City Drug Situation kung saan sinabi ni P/SUPT. Sancho Celedio, acting chief of police ng lungsod na seryoso ang kapulisan sa kampanya laban sa droga. “Sinisikap po ng ating pamahalaang lungsod na mabigyan ang bawat isang mamamayan natin ng malawak na pang-unawa sa droga at ang masamang dulot nito. Hindi lamang po mga kabataan ang nais nating bigyan ng pansin sa ating kampanya kundi maging ang kanilang mga magulang na dapat na magsilbing gabay nila.”

Binigyang diin rin niya ang kahalagahan ng pamilya, pagpapamulat ng iba’t ibang core values at tamang parental guidance upang maiiwasan ang drug abuse sa mga kabataan.

Ipinaliwanag ni Mylene Follero ng DILG ang tungkol sa Legal Basis, Objectives, Composition and Functions of ADAC habang Barangay Drug Clearing Program naman ang tinalakay ni Mary Ann Lorenzo ng PDEA Region iV-A.

Ayon kay Lorenzo, kailangang may documentation o record ang BADAC ng mga drug personalities, drug surrenderers, rehabilitation program para sa mga drug surrenderers at iba pang reports. Dito rin ibabase sa mga records na ito ang pagbibigay ng certification ng PDEA at barangay bago madeklarang drug-cleared na ang isang barangay. (PIO Batangas City)