Araw ng mga pangunahing mamamayan ipinagdiwang

1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

BATANGAS CITY-May limang centenarians o yuong edad 100 taon at 10 centenaries na mahigit 100 and edad ang maituturing na yaman ng Batangas City kung kayat sila ay patuloy na pinapahalagahan at binibigyan ng tulong ng pamahalaang lungsod lalo na ngayong araw na ito, October 9, na ipinagdiriwang ang Araw ng Pangunahing Mamamayan ng Lungsod.

Mahigit 2,000 senior citizens ang dumalo sa pagdiriwang na ito na ginanap sa Sports Coliseum sa pangangasiwa ng ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA).

Naging panauhin si Mayor Beverley Rose Dimacuha na sinabing nasa puso niya ang pagmamahal sa mga nakatatanda dahil katulad ng kanyang mga magulang, tanging kapakanan, pagmamahal at pangangalaga ang kanyang nais ihandog sa mga pangunahing mamayan ng lungsod.

“Pero bagamat napakihirap sundan ang mga yapak ng aking mga magulang, hindi ko po nalilimutan yung laging paalaala nila sa akin. Sa aking ama na si Mayor Eddie ko natutunan na ang isa daw namumuno ay dapat lagi mababa ang loob, hindi siya ang pinagsisilbihan kundi siya ang nagsisilbi. Sa aking ina ko naman natutunan na ang isang leader ay dapat marunong makinig at kung ano man ang aking mga desisyon ay ihingi ko daw po ng gabay sa Panginoon. Dapat din na ang mga desisyon ay nakabubuti sa kapakanan ng nakakarami,” dagdag pa niya.

Ipinahayag naman ni dating Mayor Vilma Dimacuha, presidente ng City Council for the Elderly, ang kagalakan sapagkat ipinagdiriwang ang araw ng mga pangunahing mamayan na kung saan binibigyang halaga ang mga nakatatanda na naging gabay sa lipunan.

Ayon naman kay Mila Espanola, hepe ng City Social Welfare and Development Office, ang mga benepisyong ipinagkakaloob sa mga senior citizens ay libreng check up, food commodities, libreng gamot, pagbibigay ng physical devises at libreng sine.

Ang limang centenarians ay sina Petra Aclan ng Isla Verde, Emiliana Abriza Tabangao Ambulong, Eusebio Asi ng Conde Itaas, Petra Perez ng Catandala at Luisa Perez ng Poblacion 14. Sila ay pinagkalooban ng halagang P20, 000. May 10 naman ang mga centenaries na sina Remegia Culla, ( 103 years old) ng Banaba East, Narciso Macatangay Villamor, (102) ng Banaba East, Conchita Perez Del Mundo (102) ng Barangay 4, Margarita Ramirez Cantos (102) ng Talumpok West, Cayetana Pajutrao (102) ng Sta Rita Karsada, Anaceta Aclan (101) ng Tabangao Dao, Gaudencio Perez (101) ng Mahacot Silangan, Rosela Cortez(101) ng Sta Rita Aplaya, Leon Aninao (101) ng Sta Rita Karsada at Lorenza De Guz (101) ng Barangay Cuta. Sila ay pinagkalooban ng P5, 000.

Nahirang naman na Mutya ng Pangunahing Mamayan 2018 si Gng. Aurora Realon ng Barangay Bolbok, 1st runner up si Gng. Lucy Abanico ng San Agustin Silangan, 2nd runner up si Gng. Josie Dangal ng Brgy. 8, 3rd runner up si Gng. Demetria Delen ng Conde Itaas, 4th runner up si Gng. Flor Arellano ng Tulo at 5th runner up si Gng. Luz Cunanan ng Calicanto.

Tema ng pagdiriwang ang “Kilalanin at Parangalan: Tagasulong ng Karapatan ng Nakatatanda Tungo sa Lipunang Mapagkalinga”.(PIO Batangas City)