- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
MAC naghatid ng sebisyo at kasiyahan sa mga bata sa anniversary celebration nito
- Details
- Friday, 03 August 2018 - 4:01:22 PM
Magkasabay na isinagawa ng Mayor’s Action Center (MAC) ang selebrasyon ng ika-2 anibersaryo ng pagkakabuo ng kanilang tanggapan at ang distribusyon ng scholarship allowance sa ilang baybaying barangay ng lungsod.
Naghatid ng kasiyahan at mga regalo ang MAC sa mga mag-aaral at magulang ng Dela Paz Itaas Elementary School, Sitio Kuro, DelaPaz Proper kung saan pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang pamamahagi ng regalo at pagkain para sa mga bata at disaster kit naman para sa mga magulang.
Nagkaroon din dito ng programa na naging tampok ang puppet show ng mga kawani ng City Library. Nagpaunlak rin ng sayaw ang mga mag-aaral at guro ng paaralan. Sa mensahe ni Mayor Dimacuha ay ipinaalala niya sa mga magulang na sabihin at ipadama sa mga anak ang kanilang pagmamahal at hinikayat naman ang mga mag-aaral na ugaliing magbasa ng aklat upang mapalawak ang kaalaman at higit na matuto ng Ingles para maging competitive pagdating ng panahon.
Pagkatapos nito ay namahagi naman sina mayor at congressman kasama ang MAC staff ng scholarship allowance sa mga mag-aaral ng Talahib Pandayan at Pedro S. Tolentino National High School sa Ilijan.
Ayon kay Manolo Perlada, ScholarshipCommittee secretariat, sinikap ng MAC na maipamahagi ng mas maaga kaysa dati ang mga naturang allowance para magamit ng mga scholars sa mga pangangailan ngayong nagsimula na ang pasukan.
Ang MAC ay tanggpang binuo kasabay ng pag-upo ni Mayor Dimacuha noong 2016 upang umasiste sa mga nangangailangang mamamayan at mapabilis ang proseso sa pagkuha ng iba’t ibang programa ng pamahalaang lungsod sa pamamagitan ng direrktang koordinasyon sa mga departamento nito. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.