Batangas City PNP nagsagawa ng bloodletting campaign

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Isang bloodletting activity ang isinagawa ng Batangas City Police nitong July 16 sa conference room ng Gusaling Kalikasan at Kapayapaan kaugnay ng pag diriwang ng ika- 23rd Police Community Relations Month ng Batangas City Police Station na may temang “ Tapat na Serbisyo at Paglilingkod ng Kapulisan Kaagapay ang Mamayan, Hatid ay Kaunlaran”.

Katuwang ang Philippine National Red Cross Batangas Chapter sa gawaing ito, hangad ng Batangas City Police Station na maging makabuluhan ang kanilang pag tulong sa nangangailangan kayat ang mag bigay ng dugo upang makapagligtas ng buhay ang kanilang isinagawa.

Ayon kay SPO1 Daisy A Ocampo, DARE PNCO, mahigit na 39 katao ang nakapagbigay na tig 500 cc dugo na dadalhin sa Batangas Red Cross upang i examine ang mga ito.

Ang iba pang gawain ng Police Station sa nasabing pagdiriwang ay ang pag bibigay nila ng kaalaman sa mga paaralan at barangay tungkol sa crime at drug awareness, community anti- terrorism, classification ng illegal drugs at ang masamang epekto nito at ang mahahalagang probisyon ng RA 9165 or Comprehensive Dangerous Act of 2022, RA 9262 or Anti- Violence Against Women & Their Children Act of 2004, RA 7610 or Special Protection of Children Against Abuse or Exploitation & Discrimination at RA 8353 or Anti Rape Law. Nagsasagawa din sila ng Oplan Sita, monitoring, and check points at traffic assistance. (PIO Batangas City)