Harana kay Miss Batangas City Foundation Day 2018 binigyang aliw ng awiting PIlipino

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Narinig muli ang ganda ng mga awiting Pilipino sa Acosta-Pastor Ancentral House ng haranahin ng delegasyon ng pamahalaang lungsod si Miss Batangas City Foundation Day 2018 Marie Angeline de Loyola Portugal.

Ang delegasyon ay kinabibilangan nina Mayor Beverley Dimacuha, Cong. Marvey Mariño, department heads, at miyembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee (CAC).

Umawit ng kundiman ang mga kawani ng City Assessors’ Office habang OPM love songs naman ang kinanta ni Don Amuel Banta na inimbitahan ng pamahalaang lungsod. Pinatingkad ang gabi ng musika ng ilang miyembro ng Manila Philharmonic Orchestra na inimbitahan ng pamilya de Loyola-Portugal.

Pinatunayan naman ng may ari ng ancestral house na si Atty. Tonying Pastor ang kanyang walang kupas na husay sa pagtugtog ng piano sa edad na 90.

Bilang pasasalamat ng pamahalaang lungsod sa pagsang-ayon ni Mary Angeline na maging Ms.Batangas City Foundation Day ay niregaluhan siya ni Mayor Beverley at Cong. Marvey ng isang imahe ng Sto. Niño na gawa sa garing at gintong sinulid.

Si Mary Angeline ay anak nina dating Taysan Mayor Dondon Portugal at dating Batangas City Councilor, Eloisa de Loyola-Portugal na naging Ms. Batangas City Foundation Day 1990.

Patuloy na binubuhay ng pamahalaang lungsod ang harana bilang isa sa mga magagandang tradisyon ng mga Batangueño. (PIO Batangas City)