- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kaligtasan ng Batangas City ipinalangin sa Papuon
- Details
- Monday, 09 July 2018 - 4:35:19 PM
BATANGAS CITY- Sinimulan na ng pamahalaang lungsod ang pagdiriwang ng 49th Batangas City Foundation Day sa pamamagitan ng Papuon sa Basilica Immaculada Concepcion noong June 6 kung saan lumahok ang pitong parokya upang sama-samang ipinalangin ang kapakanan, katahimikan at kaligtasan ng lungsod at pasalamatan ang mga biyayang natatanggap nito.
Ang Papuon ay isang religious tradition na humihiling ng biyaya sa Panginoon at nagpapasalamat din sa mga biyayang natanggap.
Bandang 2:00 ng hapon ng magtipon tipon sa Basilica Immaculada Concepcion ang mga imahen nito ng Mahal na Birhen at Mahal na Sto Niño, Sta. Rita de Cascia mula sa Parokya ng Sta. Rita de Cascia ng Brgy. Bolbok, Sta. Maria Euphrasia mula sa Parokya ng St. Mary Euphrasia ng Brgy. Kumintang Ilaya, San Isidro mula sa Parokya ng San Isidro ng Brgy. San Isidro, San Pablo Apostol mula sa Parokya ng San Pablo Apostol ng Isla Verde, San Miguel Arkanghel mula sa Parokya ng San Miguel Arkangel ng Brgy. Ilijan at ang Maluwalhating Kruz mula sa Parokya ng Santisima Trinidad ng Pallocan West
Sinimulan ang seremonya sa pamamagitan ng audio-visual presentation tungkol sa Tradisyon ng Papuon sa Lungsod.
Sumunod ang Te Deum na isang dasal na Latin na nagpapasalamat sa Diyos sa pamumuno ni Rdo. Padre Aurelio Odong Dimaapi, Kura Paroko ng nasabing Basilica. Kasunod ang pagdarasal ng Rosario Cantada kung saan sa pagitan ng bawat misteryo ay kinakanta ng kantora ang mga relihiyosong awitin sa saliw ng tugtog ng musiko.
Pinangunahan naman ni Sec. to the Mayor Atty. Victor Reginald Dimacuha ang Oratio Imperata, isang panalangin upang ipag-adya ang lungsod sa mga kalamidad at sakuna. Kasunod nito ay ang panalanging Lua at pagkanta ng Dalit sa bawat santo na ginampanan ng mga parish choir.
Ang huling bahagi ay ang pagtatalaga ng Batangas City sa Maluwalhating Krus, na ginampanan ni Atty. RD Dimacuha at ang sama-samang pag awit ng Papuri sa Diyos sa pangunguna ng lahat ng koro ng pitong parokya ng lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.