Livestock raisers nagsanay sa tamang pangangalaga mg hayop

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Isang two-day training workshop sa Good Animal Husbandry Practices (GAHP) at Good Agricultural Practices (GAP) ang isinagawa ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) noong ika-23 at 24 ng Mayo kung saan may 30 livestock raisers ang dumalo.

Layunin din ng naturang pagsasanay na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga participants hinggil sa Animal Welfare Act na taong 1998 pa ng ipasa.

Nagsilbing resource speaker sa unang araw si Dr Krisel Ann Ragas, chief regulatory officer ng Office of the Provincial Veterinary Office kung saan tinalakay niya ang tamang paraan sa pag-aalaga ng hayop kabilang ang tamang nutrisyon, proper housing, disease prevention and treatment, handling and humane euthanasia on slaughter.

Ayon sa kanya, dapat tratuhin ng maayos ang mga hayop sapagkat may mga pag-aaral aniya na kapag maayos ang trato ng hayop, mas maganda ang ibinabalik na produksyon ng mga ito.

Ipinabatid din niya na nirerequire ng batas na kumuha ang mga farm owners ng animal welfare accreditation mula sa Bureau of Animal Industry bago sila mabigyan ng business permit.

Kapag commercial farms para sa mga hogs, livestock at poultry ay kinakailangang kumuha ng animal welfare registration.

Tinalakay naman ni Agriculturist II Melinda Mendoza ang Good Agricultural Practices at nina Rosemarie Olfato, supervising science research specialist at Virginia Arellano, senior science research specialist ang GAP certification sa ikalawang araw.

Sa ikatlong araw ay nagtungo ang grupo sa San Ignacio, Rosario, Batangas para sa field visit sa isang GAP-certified farm. (PIO Batangas City)