Livestock owners nag seminar sa agricultural waste management

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- May 632 livestock owners ang dumalo sa Agricultural Waste Management seminar na isinagawa ng City Enro nitong April 24-25 upang mabigyan sila ng sapat na kaalaman sa tamang pangangasiwa ng dumi ng baboy at matugunan ang problema sa polusyon na dulot ng maling pagtatapon ng mga duming ito.

Ayon kay City Environment Officer Oliver Gonzales, ito ang unang pagkakataon na nagdaos sila ng ganitong uri ng seminar bilang paghahanda na din sa istriktong pagpapatupad ng Clean Water Act. Bahagi rin ito ng mga activities ng kanilang tanggapan sa pagdiriwang ng Earth Day.

Tinalakay ni Engr. Sheila Talban ng Sanitation Division ng Department of Health Region IV-A ang Chapter XIX ng Presidential Decree No. 856 – ang Nuisances and Offensive Trades and Occupations. habang ang DENR Related Laws about Agricultural Waste Management and Processing of DENR Permits ang ipinaliwanag ni Engr. Kamela Inna Mae Medrano ng Water Permitting and Monitoring Section ng DENR-EMB Region IV- A CALABARZON.

Ipinaliwanag naman ni Ma Cristina Sunguad ng City ENRO ang Compliance with Batangas City Environmental Code.

Tinuruan din ni Provincial Director Fernando Ablaza ng Department of Science and Technology Rizal, Region 1V-A ang mga participants ng paggamit ng septic tank, biogas digester, constructed wetlands at organic farming sa pangangasiwa ng mga dumi ng hayop.

Idinagdag pa ni Gonzales na balak nila na magkaroon ng pilot barangay para sa demonstration ng livestock waste treatment facility. (PIO Batangas City)