Barangay Caravan naghatid ng serbisyo sa Barangay Cuta

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Dinala ng pamahalaang Lungsod ng Batangas ang mga batayang serbisyo nito sa sitio, Duluhan, Brgy. Cuta sa pamamagitan ng Barangay Caravan na isinagawa kaninang umaga. Layunin ng caravan na higit na mapaalwan ang pagkakaloob ng mga serbisyo at benepisyo sa mga mamamayan lalo’t higit nangangailangang residenteng Batangas City.

Pangunahing serbisyong hatid ng Caravan ay ang libreng medical check-up, bunot ng ngipin at libreng mga gamot sa pamamagitan ng City Health Office (CHO) sa tulong nina Dr. Vallance Edlagan at Dr. Benedict Pascual ng Jesus of Nazareth Hospital. May 150 residente ang nakinabang dito.

Tumanggap rin ng application para sa EBD Health Card Program ang CHO at ang Mayor’s Action Center (MAC).

Tatlumpung residente ang nag-aaplay para sa birth registration at sa iba pang serbisyo ng City Civil Registrar (CCRO).

Binigyan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng wheel chair si Gng. Anita de Torres, 70 taong gulang na ilang taong ng hindi nakakalakad dahil sya ay nai-stroke.

Tumanggap din ang CSWDO ng mga application para sa ID ng women’s organizations, solo parents, persons with disabilities at senior citizens. Namahagi ng butong pananim ang Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS), nagbigay din sila ng libreng gupit at nagturok ng anti rabies vaccine sa may 100 alagang aso. Tumanggap naman ng application para sa scholarship ang MAC na siyang namahala ng caravan na ito.

Nagpasalamat si Barangay Chairman Ramil Caseda kina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño sa mga suportang ipinagkakaloob ng mga ito sa kanilang barangay. “Dama po nila ang pangangailangan natin kung kaya’t hindi po ako nagdadalawang salita sa paghiling sa kanila. Noong nakaraang linggo po ay sa sitio Itlugan idinaos ang caravan at sa Biyernes po naman ay isasagawa muli sa Central, ” dagdag ni Caseda. (PIO Batangas City)