Oustanding youth leaders pinarangalan ng JCI Batangas Caballero

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg

May 25 estudyante mula sa mga public elementary at high schools sa Batangas City ang ginawaran ng Youth Leadership Excellence Award (YLEA) 2018 ng Junior Chamber International (JCI) Batangas Caballero.

Ang mga awardees na ito ay sina: Jethro Anonuevo ng Batangas City East Elementary School, Ma Concepcion Soriano ng Bagong Silang Elementary School, Odezza Lyka Bay ng Bilogo Elem. School, Suzette Manalo ng Guinto Elem. School, Aizy Pulpulaan ng Paharang ES, Andrew Noel Zamora ng San Jose Sico ES, Ariane Krisselle Muñoz ng Talumpok Proper ES, Kish Chloe Dueñas ng Talumpok Silangan ES, Samuel John Patrick Eje ng Tulo I ES, Carylle Angelie Cueto ng Tulo II ES, Reinalyn Baja ng Talumpok NHS, Kyla Lorraine Hernandez mula sa Paharang NHS; Hazel Anne Dueñas ng Alangilan ES, Vinz Roid Javier ng Balagtas ES, Cindy Louise Pael ng Balete ES, Angel Arguelles ng Balete ES , Glenn Plata ng Bucal ES, Mary Grace Almarez ng Mahabang Parang ES, Chloe Daphne Plata ng Concepcion ES, Pola Bianca Balmaceda ng Balete NHS, Aldrin Lance Hernandez mula sa Alangilan Senior HS at sina Maria Althea Cariaga ng Calicanto ES, King Christopher Bañez ng Sta Rita NHS, Ara Mae Caaway ng Alangilan Senior HS at Joanna Rae De Ocampo mula sa Bolbok ES.

Ayon kay Board Member at JCI Board of Directors member Claudette Ambida at tumatayong project chairman ng YLEA, layunin ng naturang parangal na kilalanin ang magagaling na mga mag-aaral hindi lamang sa kanilang leadership qualities kundi sa kanilang academic excellence.

“We want to challenge them to become good leaders at higit na mahubog ang kanilang kakayahang mamuno,” sabi ng bokal.

Kabilang sa mga awardees ay mga student government council presidents at mga honor students.

Nakipag-ugnayan ang JCI Batangas Caballero sa Dep Ed sa pagpili ng mga paaralan at estudyanteng gagawaran ng award.

Sa loob ng maraming taon, kilala din ang YLEA bilang Senator JV Ejercito Award at ngayon ay Senator Sonny Angara Award dahilan sa kanilang suporta sa proyektong ito.

Sinabi ni Ambida na ito ang unang pagkakataon na nagsagawa sila ng mass awarding kung saan inimbitahan din nila ang mga magulang upang sila mismo ang magsabit ng medalya at mag-abot ng sertipiko sa kanilang mga anak.

Nagbigay ng inspirational message si Jayvy Gamboa na isa sa Ten Outstanding Boy Scouts of the Philippines noong 2014 at Outstanding Scout of the Asia Pacific Region noong 2015.

Malaki aniya ang naitulong ng boy scouting sa kanyang mga nakamit na karangalan at narating sa kasalukuyan. Pinayuhan niya ang mga kabataan na maging pursigido upang matupad ang kanilang mga pangarap at payo naman niya sa mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa mga mithiin ng mga ito.

Ang value ng hard work naman ang binigyang diin ni National Youth Commission Ambassador for AISEP 2018 na si Cristian Gerald Macaraig.

Dumalo din sa naturang okasyon si JCI Batangas Caballero President Zester Hernandez at iba pang myembro ng JCI Batangas Caballero. (PIO Batangas City)