Mga pulis naglagay ng muriatic sa mga drainage upang huwag madaanan ng magnanakaw

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

BATANGAS CITY- Sa supervision ng bagong Batangas City Police OIC chief na si P/Supt. Sancho Celedio, nagsagawa ang ilang mga pulis ng paglalagay ng muriatic acid sa mga drainage sa poblacion bilang operasyon laban sa mga magananakaw kagaya ng Termite Gang na dumadaan sa mga manholes upang makapasok at makapagnakaw sa mga jewelry stores, pawn shops at iba pang financial institutions.

Matatandaan na unang sumalakay ang Termite gang sa Batangas City noong February 5, 2018 ng nakawan nito ang isang jewelry store at natangay ang pera at alahas dito na nagkakahalaga ng P11 milyon. Dumaan sila sa isang manhole sa may P. Burgos St. at gumapang papunta sa nasabing store kung saan binutasan nila ang sahig dito upang makapasok.

Agad nahuli ang suspek na si Manuel Banay taga Ilocos, sa barangay Pagkilatan kung saan siya ay nagtatrabaho bilang construction worker. Nang nakalabas siya ng detention cell matapos makapagpiyansa, nabaril siya sa poblacion ng mga hindi pa kilalang suspek at namatay.

Ayon kay Celedio, makakatulong ng malaki ang paglalagay ng muriatic acid sa drainage upang hindi makadaan dito and mga magnanakaw.

Pinangunahan ni PCINSP Jaime Pederio ang operasyon bandang alas diyes ng gabi. (PIO Batangas City)