3 araw na gun licensing caravan isinasagawa ng Batangas City Police

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg

BATANGAS CITY- Sinimulan ngayong araw na ito ang tatlong araw (March 20-22) na Licence to Own Possess Firearms (LTOPF) Caravan ng Batangas City Police sa Teachers Conference Center upang hindi na kailangan pang pumunta ang mga kukuha ng gun permit sa Camp Crame sa Quezon City.

Ayon kay Po3 Ding Calalo, Firearms Desk PNCO, kailangan munang makakuha ng LTOPF bago magkaroon ng baril o makapag renew ng gun permit. Nilinaw din niya na ang lilisensyahan ay yung tao at ang ire register naman ay ang baril. “Ang ibig sabihin, ang isang gun holder ay dalawa dapat ang lisensyang hawak, ang LTOPF at firearm registration,” sabi ni Calalo.

Ang lisenya ay may expiration na dalawang taon habang ang registration ng baril naman ay apat na taon. Ang mga requirements sa pagkuha ng LTOPF ay neuro-psychiatric examination, police clearance, barangay clearance, PSA birth certificate, drug test, employment certificate, Municipal Trial Court clearance o Regional Trial Court clearance, gun safety seminar at 2x2 pictures. Available na dito sa caravan ang neuro-psychiatric examination, drug test at gun safety seminar.

May 150 aplikante lamang bawat araw ang pwedeng i proseso ang gun permit application upang maging maayos at komportable ang mga aplikante. (PIO Batangas City)