Maging top 1 sa mechanical eng’g board exam ang naging layunin

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg

Bukod sa matalino, ipinakita ng naging top one sa Mechanical Engineering Licensure Examination noong February 26-27 na si Kelvin Macatangay na kayang makamtan ng isang tao ang pinakamataas ng layunin para sa sarili kung siya ay pursigido at determinado.

Ayon sa 21 taong gulang na graduate ng Batangas State University (BSU) at residente ng San Jose, Batangas, sadyang target niya na maging top 1 sa examination na ito dahilan sa naging frustration niya na hindi siya nakagraduate noong isang taon bunga ng mga delays sa paggawa ng kanilang grupo ng kanilang thesis.. “Upang ma compensate yung hindi ko pag graduate on time ay kailangang i set ko sa sarili ko na dapat akong mag top one,” sabi ni Kevin. Nakuha ni Kelvin ang highest score na 88.75%.

Panganay sa dalawang magkakapatid, ang ama ni Macatangay ay isang OFW habang ang kanyang ina naman ay isang simpleng maybahay.

Siya ay isang honor student mula grade one at nagtapos na valedictorian noong elementary at highschool.

Naiyak siya sa tuwa noong malaman niya ang resulta ng eksaminasyon dahil nasagot ang kanyang hiling sa Panginoon at natupad ang kanyang ipinangako sa kanyang sarili at sa kanyang mga magulang.

“Sobra po akong nagpapasalamat sa Diyos na ako ang naging Top 1 sa board exam. Na-frustrate po kasi ako na hindi ako nakagraduate noong nakaraang taon kaya magandang regalo po ito sa aking mga magulang,” sabi ni Macatangay.

Tulad ng kanyang mga kasamahan, magpapahinga muna siya ng isang buwan at tutulong sa pagrereview ng susunod na batch na kukuha ng board exam.

Sa kasalukuyan ay maraming kompanya ang nag ooffer ng trabaho kay Kelvin. Pag-aaralan muna aniya kung alin sa mga ito ang kanyang tatanggapin Hanggat maaari ay ayaw niyang magtrabaho sa ibang bansa sapagkat ayaw niyang mapalayo sa kanyang pamilya.

Payo ni Macatangay sa mga nagnanais maaabot ang kanyang narating, mag- aral ng mabuti at huwag kalilimutang tumawag sa Diyos.

Para kay Kevin, malaki ang suporta na ibinibigay ng BSU sa mga board takers at pati mga alumni nito ay nagbibigay din ng tulong. . Andiyan ang ipinagluluto pa sila ng pagkain upang makapag focus sila sa kanilang review.

Maigting din ang disiplina na ni re require sa kanila tuwing review period tulad ng pagbabawal ng cellphone at online activity.

Kaugnay nito, nakuha ng BSU ang karangalan bilang Top Performing School for the February 2018 Mechanical Engineering Licensure Examination na may passing rate na 99.15% kung saan isa lamang sa kanilang 118 graduates ang hindi nakapasa at pito ang napabilang sa 10 top notchers. May 20 taon na ipinagmamalaki ng BSU ang karangalan bilang Top Performing School sa mechanical engineering licensure examination.

Ang iba pa ay sina Efren Suarez Jr - rank 3, Emanuelito Aristorenas - rank 5, Hazel Joy Veyra -rank 6, Dyve de Ocampo - rank 7, Adrian Bautista - rank 8 at Anna Rizza Ebreo - rank 10. Ayon kay Dr Elisa Gutierrez, Dean ng College of Engineering, A

rchitecture, Fine Arts, “they made not only BSU and Batangas City proud but the whole Batangas province as well with this accomplishment.” “Bilang state university, we have the best students, strict retention policy na kailangang matapos nila ang kurso sa loob ng anim na taon at competent faculty members,” sabi ni Gutierrez. Binigyang diin niya na layunin ng BSU na makipag compete hindi lamang sa mga top universities sa bansa kundi sa international arena sa larangan ng engineering. Hindi aniya natatapos sa graduation ang responsibilidad ng paaralan sa mga graduates sapagkat patuloy ang monitoring sa kanila hanggang sa kanilang board review at pagbibigay ng tulong sa iba pang pangangailangan. Malaking tulong at suporta din ang ipinagkaloob ng mga alumni sa mga graduates sa panahon ng kanilang review, Bagamat hindi ito aniya ang unang pagkakataon na nanggaling sa BSU ang Top 1 sa nasabing board exam, ito naman ang unang pagkakataon na pito sa 10 topnotchers ay nagmula sa unibersidad.

Dahil dito, paiiralin pa din aniya ang CQI o continous quality improvement sa kanilang departamento. Hiling niya na sana ay magsilbing inspirasyon sa ibang mag-aaral ang tagumpay na nakamit ng kanilang mga topnotchers at passers. (PIO Batangas City)