Earthquake drill sa paaralan isinagawa

  1.jpg 10.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

BATANGAS CITY- Sa unang pagkakataon, nagkaroon ng earthquake drill ang Sto.Nino National High School sa pangangasiwa ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) kung saan ang scenario ay may lindol na 7.0 magnitude.

Lumahok dito ang may 845 na estudyante ng paaralan kung saan ang tema ng drill ay #Bidang Handa Campaign.

Ayon kay Emerson Alon, disaster coordinator ng paaralan, hindi lamang sapat na gawin ang duck cover and hold kundi mahalaga rin ang kooperasyon at koordinasyon ng bawat isa upang maging handa.

Sinabi naman ni Anacorita Alon, OIC ng Supreme Student Government, na marami pa ang dapat nilang malaman tungkol sa kahandaan sa kalamidad. Aminado din sila na marami silang kakulangan lalo na sa pagkakaroon ng functional disaster preparedness committee. Gayun pa man, handa silang tumanggap ng anumang suhestiyon upang mas lalo pa silang maging handa. Idinagdag pa ni Alon gagawin nilang quarterly ang kanilang earthquake drill.

Pagkatapos ng drill, nagkaroon ng disaster role play ang mga miyembro ng kanilng theatre group na Bagsik Team kung saan ang scenario ay isang lindol. LIZA PEREZ DE LOS REYES/PIO Batangas City